HxnaSerein
Dalawang magkaibang tao, pero parehas na may malagim na nakaraan...
Si Percival isang pinakamagaling na guro pagdating sa sikolohiya magaling din syang mag imbento ng ibang bagay. Tila nakakaakit akit ang kanyang mga mata dahil ito ay kulay asul, perpektong hugis ng labi, matangkad, at mabait ngunit iilan lamang ang nakakaalam na magkaiba ang kulay ng kanyang mga mata sanhi ng kanyang nakaraan. Mula sa nakaraan meron syang nais balikan kaya mula sa hinaharap gumawa sya ng bagay na makakabalik sa panahon kung saan labis nyang pinagsisihan ang hindi pagligtas sa babaeng tumulong sa kanya para makatakas sa kamay ng kanyang ama-amahan. Ngunit ang consequences na ito ay hindi nya maaaring mahalin ang babae bagkus pprotektahan nya lamang ito.
Si Jade Aristella matalino, may puso, at lumiliwanag ang kabutihan sa kapwa at palangiti. Ngunit sa kabaliktaran nito ay may pumipilit na burahin ang kanyang alaala para hindi nya maalala ang kanyang nakaraan pero kahit ganun ay alam ng kanyang puso ang nagaganap sa kanyang buhay. Pprotektahan nya ang kanyang minamahal para lamang sa ikakabuti ng lahat kahit sya ay patalikod na sinasaksak ng kanyang mga kaibigan.
Makakamit kaya nila ang panghabang buhay na pagibig sa pagitan ng oras at panahon? Or mag sasakripisyo na lamang?