Historical-fiction book that I also recommend 💞
4 cerita
Rowdy Little Miss oleh raisellevilla
raisellevilla
  • WpView
    Membaca 2,451
  • WpVote
    Vote 137
  • WpPart
    Bab 21
Isang galawgaw na dalaga mula sa taong 1926 ang naiipit sa dalawang desisyon: kung tutuparin ang kanyang dapat gampanan sa lipunan o susundin ang matagal nang ninanais ng kanyang puso. --- Kilala si Almira Amorin bilang isang dalaga na mahilig mamasyal sa mga kalye ng Escolta na nakabihis panlalaki. Paborito niya itong libangan para makapuslit siya sa kanilang tahanan. Ngunit nang malaman ito ng kanyang striktong ama, pinagbawalan na si Almira na gawin ang kanyang nakagawian. Para magtino si Almira ay sinabihan siya ng kanyang lola na pagkatapos ng isang taon, kailangan na niyang makahanap ng mapapang-asawa. Kung hindi ay ipagkakasundo na siya sa isa sa mga may-kayang binata na kilala ng kanyang pamilya. Ngunit nang magkaroon ng pagkakataon si Almira na sumali sa isang patimpalak kung saan may salaping mapapanalunan, naisipan niya na maging kandidata ng Queen of Manila. Ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang makakaya niya para manalo at makapasok sa isang unibersidad. Ito lang ang tanging paraan para mapatunayan niya ang kanyang sarili at ipakita sa kanyang pamilya na hindi pag-aasawa ang kanyang kagustuhan sa buhay. Ngunit paano matutupad ni Almira ang kanyang mga pangarap kung ang landas na kanyang tatahakin ay puno ng mga hadlang? Started: 04/28/2024 Ended: --- (Book cover by the author, character art done by Peekabluh)
The Senorita | Published Under LIB oleh raisellevilla
raisellevilla
  • WpView
    Membaca 745,361
  • WpVote
    Vote 26,420
  • WpPart
    Bab 36
Sino kaya ang misteryosong babae sa likod ng isang lumang painting? Bakit siya nakatalikod at kilala lamang sa titulo na La Señorita or "The Señorita"? (Mi Senorita Duology Book 1) (COMPLETED-Wattys 2017 Storysmiths Awardee) Photo: "Una India" Oil on canvas ca 1875 by Esteban Villanueva y Vinarao (1859-1920) Museo Nacional del Prado, Madrid
Captivated by the Antagonist's Heart |✓ oleh Imfallenstar
Imfallenstar
  • WpView
    Membaca 13,387
  • WpVote
    Vote 565
  • WpPart
    Bab 42
New Historical fiction! Paano kaya haharapin ni Jeyda ang nakukubling hiwaga ng libro? Ano kaya ang mangyayari kung magising siya sa katayuan ng bidang babae sa kuwento? Lalo na kapag nalaman niya ang magiging kapalaran nito sa dulo. Sa pilit niyang pagbago sa mga kapalarang nakatakda sa kuwento, ay mapapalapit siya sa mundo ng mga kontrabida. Posible kayang mabuhay ang pag-ibig sa puso ng isang masama? Gaano ba makapangyarihan ang pag-ibig? Sapat kaya ito upang mapalitan ng liwanag ang dating kasamaan.
Kapalit ng Kalayaan oleh Elliana_Sten
Elliana_Sten
  • WpView
    Membaca 4,482
  • WpVote
    Vote 208
  • WpPart
    Bab 10
Si Isabela Zobel Olivarez ay ang bunso at unica hija ng kanilang pamilya. Siya ang nag-iisang Prinsesa ng mga Olivarez- ang pang-anim sa pinakamayamang pamilya sa Cavite. Sa ngalan ng kapangyarihan at negosyo, nagawa siyang ipagkasundo ng kaniyang mga magulang kay Alejandro Fiero Ayala, ang panganay at unico hijo ng pamilya Ayala- pangatlo sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa Cavite. Napapaligiran man ng mga taong may matataas na tungkulin sa pamahalaan, alam ni Alejandro ang korapsyon na nagmumula sa kaniyang pamilya, kung kaya pinili niyang tumaliwas sa landas na gusto ng kaniyang ama. Nagpumilit siya na tahakin ang landas ng medisina. Bilang kapalit, kinakailangan niyang pakasalan ang babaeng pipiliin sa kaniya ng kaniyang ama. May karapatan mang tumanggi, ay pumayag din sa kasunduan si Isabela, para sa dalawang bagay... proteksyon at kalayaan. Pero proteksyon kainino? Kalayaan saan? Paano mabubuo ang kwento ng dalawang tao na nagsama lamang para sa sarili nilang kagustuhan at pangangailangan? At hanggang saan ang kaya nilang ipalit sa ngalan ng kalayaan?