TimelessTeller
- Reads 1,028
- Votes 462
- Parts 25
"WRITTEN IN THE PAGES OF TIME"
Paano mo babaguhin ang kasaysayan kung ang tadhana ay tapos nang maisulat sa mga pahina ng nakaraan?
Si Miguel ay isang mag-aaral ng kasaysayan na biglang nagising sa Pilipinas noong ika-19 na siglo-hindi bilang kaniyang sarili, kundi bilang isang binatang nakatakdang mamatay sa kamay ni Virginia. Ngunit sa gitna ng takot, paghihimagsik, at pagsubok na isalba ang kaniyang buhay, isang hindi inaasahang bagay ang sumibol sa pagitan nilang dalawa: nahulog ang loob nila sa isa't isa-isang wagas na damdaming kailanman ay hindi naging bahagi ng orihinal na kwento.
Habang ipinaglalaban nila ang kanilang pag-ibig sa mundong hindi siya kabilang, matutuklasan niya na ang trahedyang pilit nilang tinatakasan ay matagal nang nakasulat na nang buo.
Sa pagitan ng tinta, kasaysayan, at pag-ibig - kaya ba nilang burahin ang trahedyang itinakda na ng panahon, o mananatili na lamang silang mga karakter na pilit pinaglalayo ng sarili nilang tadhana?
Paano kung ang kwentong binuo sa luha, hinagpis, at walang katapusang paghihintay ay isang pahinang isinulat mula sa totoong karanasan ng dalawang taong wagas na nagmamahalan?
Date started: May, 8 2026
Date ended: Ongoing / Patuloy na isinusulat pa
© 2026 · jdjdndjndndudhd. All Rights Reserved. Plagiarism is a crime.