rchldstn_
Para kay Raine Kharelle Ybañez, isang education student sa VIU, ang buhay ay isang perpektong prosa: tahimik, maayos, at kontrolado. Ang kaniyang mundo ay umiikot lang sa kaniyang pag-aaral, sa pamilya, at sa mga kaibigan hanggang sa magtagpo ang landas nila ni Zaevion Drixx Montecillo, isang seryoso at malamig na medical student.
Ang isang hindi sinasadyang pagkakamali ay nagtulak sa kanila sa isang slow-burning connection-mula sa palitan ng mga sticky notes hanggang sa pagtuklas sa mga pangarap ng isa't isa. Zaevion was the science, and Raine was the poetry.
Ngunit ang pundasyong binuo sa mga lihim ay madaling gumuho. Nang matuklasan ni Raine ang isang lihim mula sa nakaraan ng kaniyang pamilya noong October 2020, nabunyag ang isang masakit na katotohanan: ang lalaking itinuturing niyang kanlungan ay may malalim na koneksyon sa pagkawala ng kaniyang ama.
Sa gitna ng pagkawasak, isang tanong ang natira: minahal ba siya ni Zaevion nang totoo, o isa lamang siyang bahagi ng isang kasalanang hindi mabubura ng panahon?
"I lived my life trying to write a perfect prose. But you left me with nothing but ruins. Now, I have to learn how to write a story out of our wreckage."