Noble
1 story
Sa Lilim ng Asana by dayangmarikit
dayangmarikit
  • WpView
    Reads 87
  • WpVote
    Votes 13
  • WpPart
    Parts 7
Sa gitna ng dakilang Puod ng Tondo, si Aglaya ay isang mutyang nagniningning sa kariktan, isang larawang tila hinubog mula sa mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang marilag na anyo, hindi himig ng kundiman o indak ng sayaw ang nananalantay sa kanyang ugat, kundi ang nag-aapoy na dugo ng isang mandirigma. Isang trahedya ang sumapit sa kanilang pamilya na dahilan ng pagpanaw ng kanyang mga magulang sa kamay ng kamatayan. Pasan ang bigat ng mundong gumuho, nagpakalayo-layo siya kasama ang kanyang mga musmos pang mga kapatid upang takasan ang mga nagnanais tumapos sa kanilang lahi. Sa loob ng limang taon ay tahimik na namuhay ang magkakapatid sa lugar kung saan namumukadkad ang asana sa bawat sulok nito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ulit ang kanilang landas ng isang pamilyar na ginoo, sugatan at nag-aagaw-buhay sa malamig na yakap ng tahimik na agos ng ilog... isang lalaking hindi maalala ang sarili, maging ang kanyang nakaraan. Ang muling pagtatagpo ng dalawa ang magyayanig sa mundo ng mga aninong nasa likod ng delubyong nakaraan. Ang kanilang hindi inaasahang pagsasama ay hindi lamang isang pagkakataon, kundi isang mitsa na muling magpapaalab sa mga lihim na pilit ibinaon sa limot. Started: April 28, 2026 (On-going)