HermesWrites_04
- Reads 1,311
- Votes 160
- Parts 25
Ang Ikaw at Ikaw ay isang modernong pagsasalaysay ng kuwento nina Odysseus at Penelope-hindi bilang mga alamat, kundi bilang dalawang taong natutong magmahal sa mundong puno ng kapangyarihan, ambisyon, at digmaan. Habang ang ibang lalaki ay umaasa sa lakas, si Odysseus ay nabuhay gamit ang isip-hanggang sa makilala niya ang prinsesang kayang guluhin maging ang sarili niyang mga plano.
Sa Sparta, sa pagitan ng mga hari, alyansa, at mga salitang may nakatagong kahulugan, unti-unting nabuo ang isang pag-ibig na hindi nila inaasahan. Isang tahimik ngunit mapanganib na ugnayan sa mundong hindi nagpapatawad sa kahinaan.
Ngunit ang lalaking tumulong magbuklod sa buong Gresya ay siya ring lalaking nagsimula ng digmaang maghihiwalay sa kanila. At sa pagdaan ng mga taon, isang tanong lamang ang mananatili-kaya bang mabuhay ng pag-ibig kahit hatiin pa sila ng dagat, panahon, at tadhana?