iamcurly's Reading List
3 stories
His Favorite Sin Wore Scrubs by InexorableSerene
InexorableSerene
  • WpView
    Reads 118
  • WpVote
    Votes 46
  • WpPart
    Parts 8
Registered Nurse si Seravina "Avi" Valez. Board passer. Government hospital nurse. Iyong klaseng nurse na kahit nanginginig na ang katawan sa pagod, tumatakbo pa rin kapag may code blue sa kabilang ward. By daylight, she survives beneath fluorescent hospital lights and overcrowded hallways, catching lives the system keeps failing, double shifts, delayed salary, and endless exhaustion. Pero araw-araw pa rin niyang isinusuot ang scrubs niya na parang sapat pa ang pag-asa para bumangon ulit. But at night, she becomes Sinn. Babaeng sumasayaw sa ilalim ng pulang ilaw ng Velvet Room habang umuulan ng pera mula sa mga lalaking kayang bumili ng isang gabi pero hindi ng totoong koneksyon. Hindi niya ikinahihiya ang katawan niya. What ashamed her was the country that turned being a nurse into a survival job. Antonio Luis Aguinaldo never cared about women dancing beneath neon lights. Bilang tagapagmana ng isang bilyonaryong pamilya, sanay siyang mabuhay sa mundong hindi kailanman nagturo sa kaniya kung ano ang tunay na pagod. Pero isang gabi, habang walang interes na nakatanaw mula sa second floor balcony ng Velvet Room, nakita niya si Sinn. Hindi ito ang pinakamaganda. Hindi rin ang pinakamaingay gumalaw. Pero habang lahat ay sumasayaw para mapansin, siya lang ang mukhang unti-unting nauubos sa ilalim ng ilaw. At hindi niya maintindihan kung bakit, pero matapos no'n, hindi na niya magawang tumigil sa paghahanap sa babaeng mukhang pagod nang mabuhay pero patuloy pa ring sumasayaw para mabuhay pa.
My Pet Doctor is a Mafia by InexorableSerene
InexorableSerene
  • WpView
    Reads 99
  • WpVote
    Votes 24
  • WpPart
    Parts 8
Sa edad na bente-singko, sapat na ang stress ni Eluvin Dizon. Bilang assistant ng dean sa School of Graduate Studies, araw-araw niyang problema ang thesis na hindi matapos-tapos, graduate students na halos umiyak na sa opisina niya, professors na akala mo sila ang may-ari ng mundo, at deadlines na parang gustong pumatay ng tao. Ang tanging pahinga niya? Ang alaga niyang aso. Kaya nang magkasakit ito, wala siyang choice kundi dalhin iyon sa isang veterinary clinic. Doon niya nakilala si Zhen Lim, isang veterinarian na tahimik, nakakainis na maayos, at masyadong gwapo para magmukhang totoong tao. Sa una, akala ni Eluvin isa lang itong dedicated na doctor ng hayop na sobrang seryoso sa trabaho. Pero habang tumatagal, may mga bagay na nagsimulang hindi magmukhang normal kay Zhen, lalo na nang mapansin niyang tila may kung anong bigat ang presensya nito na kayang patahimikin kahit ang pinaka-magulong tao sa paligid. Bakit parang laging nawawala ang aso niya para pumunta sa clinic nito? Bakit biglang naaayos ang mga problema niya sa trabaho? At bakit parang takot ang mga tao kay Zhen? Hanggang sa isang araw, aksidente niyang nadiskubre ang sikretong pilit itinatago ni Zhen Lim... hindi lang ito veterinarian kundi isang mafia na kinatatakutan ng marami. At sa halip na ang panganib ang unang isipin, isang mas mahalagang tanong ang bumabagabag ngayon kay Eluvin... bakit parang mas attached pa ang aso niya rito kaysa sa kanya?
The CEO I Hate The Most by iamcurly
iamcurly
  • WpView
    Reads 194
  • WpVote
    Votes 30
  • WpPart
    Parts 50
Si Ana ay isang loyal na assistant sa isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Tahimik at maayos na sana ang trabaho niya hanggang sa biglang magkasakit ang kanyang 63-year-old na boss at CEO ng kumpanya. Ang papalit dito ay ang anak nitong kagagaling lang ng Europe - si Marc Villareal. Pero imbes na matuwa, laking gulat ni Ana nang makita kung sino ang bagong CEO. Dahil si Marc ang mismong lalaking nagpahiya sa kanya noong college. Ang taong pinaka-ayaw niya sa buong mundo. Ngayong araw-araw na silang magkasama sa iisang opisina, kakayanin pa ba niyang manatili sa trabahong mahal niya? O mauulit lang ang sakit at kahihiyang minsan nang winasak ni Marc sa kanya?