J_Win_Writesss
[Note: Very heavy analytic narrative]
Upang manatiling malapit sa huling bakas ng kanyang yumaong ina, ipinaglalaban ni Jeniffer Habisadiwa ang kanyang kagustuhang pangalagaan ang palawit na buwan na iniwan sa kanya nito. Ngunit sa pagkapit niya sa alaalang iyon, hindi niya inaasahang mahahatak siya sa gitna ng isang nakapanghihilakbot na katotohanang matagal nang nakatago sa anino ng mundo!
Sa mundong palihim na nilalakaran ng mga Multo, Aswang, Engkanto, at mga Halimaw na namimihasa sa mga walang kamalay-malay na tao, may pitong buwan na palawit na naglalaman ng pira-pirasong kapangyarihan ng kinatatakutang nilalang na si Bakunawa. Nang mawala at kumalat ang mga ito sa iba't ibang panig ng Pilipinas, nagsimula ang isang banta na maaaring sumira sa buong bansa kung sinuman-tao man o hindi-ang tuluyang makabuo at makasamsam ng buong kapangyarihan ng mga iyon. Sa kabutihang-palad, may lihim na puwersang militar na binubuo ng mga taong may natatanging Diwa, na inatasang ipagtanggol ang marupok na pag-iral ng mga normal na buhay laban sa mga nilalang sobrenatural.
Sa panlabas, mukhang karaniwang senior high school student lang si Jeniffer Habisadiwa. Pero sa likod ng lahat, may taglay siyang pambihirang lakas na hindi maikakaila. Kaya naman pilit siyang hinihila ng lahat sa mga kompetisyon at sa paggamit ng kanyang "talento" at "kakayanan," samantalang ang gusto lang niya ay maging malaya at mabuhay sa paraang gusto niya. Ngunit isang araw, unti-unting gumagapang sa kanyang buhay ang mga pangyayaring hindi niya kayang takasan. Isang engkwentro sa bingit ng kamatayan, isang misteryosong tagapagligtas na tila prinsipe sa isang kuwentong bibit, at isang mundong akala niya noon ay puro alamat lamang. Sa pagtuklas niya sa katotohanang ito, nabunyag ang isang takot na mas malalim, mas madilim, at mas malaki kaysa sa anumang naisip niya kailanman...