Jel_nov
"Before the sand met the wave, fire consumed the water."
Apoy sa tubig.
Si Lucita, isang ulilang lumaki sa ilalim ng ibang pangalan at ibang pagkatao, ay dinala sa Hacienda Gracia upang magsimula ng bagong buhay. Sa likod ng marangyang mansyon at ngiti ng pamilyang kumupkop sa kanya, may mga lihim na matagal nang nakabaon sa pulang lupang kanilang tinatapakan.
Sa kanyang unang araw, muntik siyang lamunin ng malalim na batis-ngunit iniligtas siya ng isang lalaking may malamig na abuhing mga mata at katahimikang kayang guluhin ang kanyang puso.
Si Ezikel Dela Merced, ang tahimik at mailap na rancherong kinatatakutan at iginagalang ng buong hacienda, ay matagal nang natutong mabuhay nang mag-isa. Ngunit nang dumating si Lucita, unti-unting nagising ang mga damdaming matagal na niyang ikinulong.
Habang dahan-dahang nabubuksan ang mga lihim ng Hacienda Gracia, natuklasan nilang pareho silang nakakadena sa mga kasalanang hindi nila ginawa at mga pangakong hindi nila pinili.
Ngunit paano mamumukadkad ang pag-ibig kung ang isa ay parang tubig na laging umaagos palayo, at ang isa nama'y apoy na handang sunugin ang lahat para manatili?
Sa isang lugar kung saan ang bawat pader ay may lihim at ang bawat puso ay may sugat, sapat kaya ang pag-ibig upang baguhin ang itinakdang kapalaran?
Dahil bago pa man mahugis ng alon ang buhangin, nasunog na ng apoy ang tubig na minsan nangahas maniwala.