My Stories (JARGONYYL LIST)
1 story
(Deja Vu): ANG MULTO NG KAHAPON by JARGONYYL
JARGONYYL
  • WpView
    Reads 193
  • WpVote
    Votes 81
  • WpPart
    Parts 17
Sa gitna ng mainit na hurno at amoy ng sariwang tinapay sa Elena's Bakeshop, tumatayo si Mara bilang kahera. Sa mata ng iba, simpleng empleyada lang siya na naghahatid ng saya sa mga suki. Ngunit sa loob ng isip ni Mara, may kakaibang kabalaghan ang nangyayari. Araw-araw, binabagabag siya ng matinding déjà vu. Pakiramdam niya ay paulit-ulit niya na nararanasan ang bawat saglit: ang pagbukas ng pinto, ang usok ng kape, at kahit ang mga salitang binibigkas ng mga customers. Sa simula, iniisip ni Mara na dulot ito ng sobrang pagod at stress sa trabaho. Kumpirmado pa nga ito ng kanyang doktor, na nagsabing normal na reaksyon ng utak kapag napapagod at nangangailangan lamang ito ng pahinga. Ngunit habang tumatagal, hindi nawawala ang pakiramdam. Sa halip na kumalma, lalo itong lumalala. Ang mga déjà vu ay nagiging mas madalas at mas detalyado, hanggang sa magsimulang umusbong ang matinding pagkabahala at takot ni Mara. Nalilito na siya kung alin ang tunay na kasalukuyan at alin ang basta na lang niya naalala. Nangangamba siya na baka mabaliw siya o may sira na talaga ang kanyang isipan. Sa rurok ng kanyang pagdududa sa realidad, natuklasan ni Mara ang isang nakakagimbal na katotohanan. Ang kanyang paulit-ulit na déjà vu ay may dahilan hindi lang ito imahinasyon. Habang tumatagal ay may natutuklasan ito.May isang misteryosong dahilan kung bakit paulit-ulit ang kanyang nararanasan, at ang pagtuklas na ito ang magpapabago sa kanyang buhay magpakailanman. Handa na bang harapin ni Mara ang katotohanan sa likod ng kanyang matinding deja vu?