kaelobsidianink
Merry Chris Aranda & Bench Alessandro Soriano
[ONGOING]
𝐅𝐋𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #1 | ❁
STARTED : 06/07/2026
FINISHED : ??/??/????
Some promises bloom like sunflowers. Some wait too long for the sun.
Isang pangako sa ilalim ng araw. Limang taon ng katahimikan. At isang rooftop garden na kayang magbalik ng lahat.
Si Merry Chris Aranda, hindi siya naniniwala sa magagandang paalam. Kaya nang umalis si Bench Alessandro Soriano para sa Milan hawak ang "Hintayin mo ako," hinayaan niya itong umalis nang hindi sumasagot. Hindi dahil wala siyang sasabihin. Dahil natatakot siyang sumagot nang totoo.
Ang limang taong distansya? Hindi lang 'yan basta distansya. Mga voice call na nauuwi sa ingay ng tren. Mga mensaheng binabasa nang paulit-ulit pero hindi na sinasagot. Yung pakiramdam na ikaw na lang ang laging naghihintay - hanggang sa hindi mo na alam kung para saan ka pa naghihintay.
Ngayon, si Bench ay bumalik. Hindi para sa kanya, kundi para sa isang renovation project na magsasama sa kanilang muli sa Rooftop Garden. Ang garden na saksi ng kanilang una at huling pangako. Ang garden na ngayon ay lanta na, tulad ng pag-asa niyang unti-unting namatay sa loob ng limang taon.
Pero paano mo muling pagkakatiwalaan ang taong natutong manahimik?
At paano mo patutunayang ang bawat linyang iginuhit mo sa iyong blueprint ay palaging may espasyo para sa kanya - kahit hindi mo iyon sinabi noon?
The Sunflower Promise is the first book in The Flower Series, a five-book contemporary romance series set in Manila. Each book follows one couple, one flower, and one love that refuses to die-even when it should.
Trigger Warnings: Anxiety, long-distance emotional neglect, abandonment issues