Origwrittenbyaster
Bilang Psychology student, kabisado ni Elias Reyes ang lahat ng teorya tungkol sa pag-ibig, attachment, at heartbreak.
Pero isang bagay ang hindi niya maintindihan-
si Amara Custodio.
Dalawang taon niyang itinago ang nararamdaman para sa babaeng naging pinakamalapit na kaibigan niya. Isang babaeng laging nakangiti, laging handang makinig, ngunit may mga sugat na siya lang ang marunong itago.
Nang unti-unti silang mapalapit sa isa't isa, inakala ni Elias na baka sa wakas ay may pag-asa na siya.
Pero paano kung may ibang kuwento palang sinusulat ang tadhana?
Paano kung ang taong pinakamamahal mo ay hindi nakatakdang maging sa'yo?
At paano kung ang kursong hindi kailanman itinuro sa Aster University ang siyang pinakamahirap mong pagdaanan?
Dahil sa mundo nina Elias at Amara, hindi lahat ng love story ay may happy ending.
Minsan, ang pinakamataas na grado na makukuha mo...
ay sa Major in Heartbreak.
"Sa Aster University, pinag-aaralan nila ang isip ng tao. Pero walang nagturo sa kanila kung paano iligtas ang sariling puso."