lybwieelyn
Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa iyong bestfriend na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman mo para sa kanya?
Bestfriend ko siya pero may gusto ako sa kanya. Balak ko na sanang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko kaso naunahan na niya ako sa pag-amin na may babae siyang nagugustuhan.
Ngayon ay humihingi siya ng tulong sa pag-amin ng nararamdaman niya para sa babaeng espesyal sa kanya. Bilang bestfriend niya, kailangan ko siyang tulungan even if it means breaking my own heart.