lazyxie
CASTILLO SERIES #3
Ang hirap pala maging panganay.
Ang hirap pag-sabayin lahat. Ang hirap maging pangalawang magulang sa pamilya na walang haligi ng tahanan. Ang hirap humanap ng pera para sa pag-aaral ko, at sa mga pambaon ng mga kapatid ko.Ang hirap malagay sa sitwasyon ko; magulo. Ang hirap umuwi sa sariling bahay, at makita ang malungkot na mukha ng mga kapatid ko na hirap na din.
Ang hirap hirap humarap kay mama na walang hawak na pera, dahil iisipin nya na nag-dadamot ako. Hindi biro ang pag-hahanap ng pera, minsan nasisigawan, napapagalitan, at napapahiya. Ang hirap umalis sa trabahong nag-papaaral at nag-papakain sa akin. Ang hirap bitbitin lahat ng obligasyon na dapat tatay ko ang gumagawa.
Ang hirap maging panganay lalo na't walang padre de pamilya na siya'ng dapat na may dala-dala nang buong pamilya.
Yan ang summary ng buhay ko. Mag-bigay ng mag-bigay sa pamilyang walang ibang ginawa kundi sumbatan ako. Pamilyang walang balikat na masasandalan kapag napagod ako. Pamilyang walang pake-alam kung may sakit ako.
Kaya nang dumating sa buhay ko ang isang lalaki na nag-paranas sa akin na ayos lang mapagod, ayos lang na wag mag bigay, at ayos lang na umiyak. Alam kong siya na ang taong magiging pahinga ko, taong magiging sandalan ko.
Isang tao na mag-papagaan ng loob ko, at kayang intindihin ang sitwasyon ko.
©All Rights Reserve.