Classic_Novels
Mula nang iligtas si Raisa ng rich, hot, and sexy hunk na si Stephen Montinola ay naging laman na ito ng mga pantasya niya. Gayunman, tanggap niyang malabong may mamagitan sa kanila dahil ni hindi na nga yata muling magkukrus ang mga landas nila.
However, it did. Not only did their paths cross again, pinakiusapan pa siya nito na maging fiancée nito. Sa kalaunan ay nagpakasal pa sila! Pero kunwari lang iyon at para lang sa benefit ng lolo nitong noon pa diumano hinihimok ang binata na lumagay sa tahimik.
She did not mind the charade. Pero natuklasan niyang mahirap hawakan at kontrolin ang damdamin. Dumating sa punto na ayaw niyang sa pantasya lang niya siya mahalin ni Stephen. She wanted it to be in the real world.
She was in big trouble. Mabuti na lang, bago tuluyang napahamak ang puso niya ay nakipaghiwalay na ito-sa kanya. Pero hindi pala roon nagtatapos ang problema niya dahil kahit hindi na sila magkasama ay patuloy na ginugulo nito ang puso at isip niya....