Jet-Yu
"Hanggang saan ang kaya mong i-fake? Kaya mo bang ibenta ang acting mo kung ang bayad ay para sa kinabukasan niyo?"
Si Ara ang tipo ng babae na walang pribilehiyong mapagod.
Graphic designer sa umaga at kahit gabi. Kung minsan ay sumasabak pa sa kung anu-anong sideline basta legal at may bayad. Dahil para kay Ara, ang pangarap ay hindi luho. Survival iyon.
Pero sa lahat ng raket na pinasok niya, wala nang mas absurd kaysa sa alok na ito:
Magpanggap bilang fiancée ng isang lalaking hindi niya kayang tiisin... at lalong hindi niya kayang iwasan.
Si Liam Monteverde, tagapagmana ng Monteverde Azure Resort sa Boracay, isang walking red flag na mukhang green flag. Arogante. Englishero. Matalino. Makapangyarihan. May nakakairitang kagwapohan.
Liam Monteverde doesn't believe in love. He believes in contracts. Sanay makuha ang lahat ng gusto niya. At naniniwalang may presyo ang bawat problema.
Maliban sa isang bagay.
Ang kanyang istriktang lola na si Corazon Monteverde.
Para makuha ang pirma nito at maging susunod na may-ari ng resort, kailangan niyang patunayan na kaya niyang magseryoso sa buhay at hindi palaging trabaho.
At para doon, kailangan niya ng isang perpektong fiancée.
Isang papel na handang gampanan ni Ara kapalit ng perang hindi niya kayang tanggihan.
Two weeks.
One fake engagement.
One room.
One bed.
At isang simpleng kasunduan:
Bawal ma-fall.
Madaling sundin sa umpisa.
Hanggang sa magsimulang magmukhang totoo ang mga ngiti.
Hanggang sa maging komportable ang mga yakap.
Hanggang sa hindi na nila matukoy kung alin ang scripted at alin ang hindi.
Dahil habang unti-unting lumulubog ang araw sa Boracay, may mas mapanganib na bagay na unti-unting sumisikat sa pagitan nila.
Dahil minsan, ang pinaka-delikadong kasinungalingan...
ay iyong mukhang totoo sa harap ng lahat.
At mas lalong nakakatakot kapag pati puso mo, naniwala na rin.
Will they survive the contract... or destroy it because of love?