KUMPAS SERIES (COLLABORATION)
4 قصص
KUMPAS SERIES #1: PAUBAYA بقلم SassyMissy0823
SassyMissy0823
  • WpView
    مقروء 2,564
  • WpVote
    صوت 264
  • WpPart
    فصول 25
Ang pag-ibig ay pinaglalaban... Ang pag-ibig ay pinaninindigan... Pero paano kung ikaw na lang ang nakikipaglaban? Paano kung ikaw na lang ang naninindigan? Paano kung ikaw na lang ang kumakapit sa napakanipis na sinulid na nag-uugnay sa inyong dalawa? Lalaban ka pa ba o susuko na? Lalaban ka pa ba kahit alam mong talo ka na? "Gusto ko masaya ka. Kaya kahit masakit, pinapaubaya na kita sa kaniya."
KUMPAS SERIES #2: MALAYA بقلم LovieNot
LovieNot
  • WpView
    مقروء 80
  • WpVote
    صوت 34
  • WpPart
    فصول 2
Calla only wanted one thing that day-sleep. Pagod sa sunod-sunod na deadlines at walang gana sa kahit anong chika, napilitan lang siyang pumunta sa cafeteria dahil sa kaibigan niyang si Andrea. But then she met Heath Devila. One smile. One introduction- at biglang naging interesting ang araw niya. He wasn't the most handsome guy she'd ever seen, but there was something about him that instantly caught her attention-the kind of guy who fit her type a little too perfectly. Unfortunately, there's one problem. Mukhang hindi lang siya ang may gusto kay Heath. Because just like before, she might end up competing with the one person she can never seem to beat-Selena. Caught between a growing crush, an unspoken rivalry, and a curse that keeps bringing them to the same guy, Calla finds herself asking: Will she lose again? Or will this finally be the story that sets her free from losing again and again in the game called love?
KUMPAS SERIES #3: TAGU-TAGUAN بقلم ImaginationNiAte
ImaginationNiAte
  • WpView
    مقروء 195
  • WpVote
    صوت 79
  • WpPart
    فصول 3
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan. Pagbilang ko ng sampu, nahulog na ang puso ko sa 'yo. Isa, bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Dalawa, nababaliw ako kapag nariyan ka sa tabi ko. Tatlo, natatakot akong malaman mo ang totoo. Apat, ano ba'ng dapat kong gawin upang mapansin mo rin ang puso kong sinisigaw ang pangalan mo? Lima, dapat ko na ba'ng tanggapin na hanggang kaibigan mo lang ako? Anim, pangalan niya ang binabanggit ng labi mo. Pito, masyado naman yatang masakit ang pinasok kong laro. Walo, paubos na ang natitira kong oras sa mundong ito. Siyam, hahakbang na ba ako palayo sa 'yo? Sampu, itatago ko na lang ba ang lahat ng ito?
Kumpas Series #4: Tagpuan بقلم peculiarlullaby
peculiarlullaby
  • WpView
    مقروء 115
  • WpVote
    صوت 19
  • WpPart
    فصول 5
"Karmic Relationships. May mga taong dumaraan sa buhay natin na parang kumpas-sila ang magtuturo sa daang tatahakin natin, ngunit kapag natagpuan na natin ang landas na iyon, ay wala na silang dahilan upang manatili pa." Hindi naniniwala si Damara sa tadhana. Para sa kanya ay nakikilala natin ang mga tao ayon sa kanilang layunin o misyon sa ating buhay. Kapag natapos na nila ang layunin nila ay tuluyan na silang mawawala at hindi na muli pang magtatagpo ang inyong mga landas. Minsan ay paunti-unti-mabagal at tahimik. Hindi mo mamamalayang wala na siya. Minsan ito ay masakit, ngunit kailangan mo silang bitawan. Gaya na lamang ng nangyari sa kanila ng kababata niyang si Coco na hindi na niya muling nakita pa mula nang magkahiwalay sila ng landas sa kanilang tagpuan, sampung taon na ang nakararaan. Ngunit hindi pa rin ba siya maniniwala sa tadhana kung malaman niya na ang lalaking kinabubwisitan niya at karibal niya sa maraming bagay na si Spencer Conrad ay ang kanyang kababatang si Coco pala? Tadhana bang maituturing kaya sila muling pinagtagpo, o sadyang hindi pa tapos ang layunin nila sa buhay ng isa't-isa? Dadalhin kaya sila muli ng kumpas patungo sa kanilang tagpuan? ©peculiarlullaby.2026