_marikitalinda
Kalayaan sa mga kadugong mananakop.
Pag-ibig sa gitna ng pabagsak na ekonomiya.
Kahit pagkapit sa patalim ay gagawin ni Nuesa para lang lumaban nang patas sa buhay. At sa tagal nang hindi paglaban nang patas ng mga naghahari-harian, natuto rin siyang gamitin ang patalim. Naging isang kinakatakutang assassin. Sa kabila ng kapangyarihan niyang maglaho ay may isang nakakakita pa rin sa kanya.
Si Kae, na naniniwalang ang kapayapaan ay makakamit lang sa payapang pamamaraan, ay sinama si Nuesa na tahakin ang landas na makakabuti sa kanilang bayan. Hanggang sa mahaluan ng lobo ang samahan ng mga tupa. Pagtataksil. Pagtatalo. Isang cycle na paulit-ulit nagpapabagsak sa kanilang bayan.
Pagmamahalan man ay hindi na ideal. Kahit ang diwa ng pasko ay hindi na madama.
(Ongoing and is subject to revisions. Intended to be the book 1 of a series.)