We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.
Mystic Realm Series
3 stories
Astrallore: The Hidden Gem by Dydyyann
Dydyyann
  • WpView
    Reads 28,801
  • WpVote
    Votes 1,153
  • WpPart
    Parts 98
[SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) Started: June 8, 2025 Ended: May 29, 2026 Sa mundong nilalamon ng kapangyarihan at sinaunang mahika, si Aurelia Murrelle ay naging sisidlan ng Slyphrite, isang berdeng bato na may sariling buhay, at umaapaw sa malakas na enerhiya. Kinatatakutan ng mga kaharian at pinaghahanap ng mga hari't reyna, siya ang sumpa at kaligtasan na sabay na isinilang, isang nilalang na may kapangyarihang humawak ng buhay at kamatayan. Ngunit bawat himala ay may kapalit na pagdurusa. Sa tuwing tatawagin ni Aurelia ang lakas ng Slyphrite, may bahagi ng kanyang kaluluwa ang tuluyang nawawala. At sa dulo ng lahat, iisa lamang ang tanong na kailangang niyang sagutin. Handa ba niyang isakripisyo ang sarili upang iligtas ang mundong kailanman ay hindi siya tinanggap at kinamumuhian siya? o pipiliin niyang mabuhay kahit kapalit nito ang pagkawasak ng mga taong malapit sa kanya? Isang makapangyarihang espada. Isang delikadong mahiwagang bato. At isang babaeng hinubog ng liwanag, dugo at sakripisyo. Highest Ranking: #1 - gemstone #3 - deities #3 - swordfighting #7 - fantasyfiction #8 - fantasyadventure #17 - mystery-thriller
Emberborn: The Dragon Sorceress by Dydyyann
Dydyyann
  • WpView
    Reads 2,467
  • WpVote
    Votes 18
  • WpPart
    Parts 2
[SOON TO BE PUBLISHED UNDER DESTINYPEN PUBLISHING HOUSE] [ON-GOING] Started: June 30, 2026 End: Isang misyon para sa buhay ng kanyang ina. Isang katotohanang babago sa kanyang mundo. Para kay Xarra Foster, ang kanyang kapangyarihang kontrolin ang mga elemento ay isang kasangkapan lamang para mabuhay, at sa pagkakataong ito, para itustos sa kanyang ina na may taglay na karamdaman. Kaya naman nang ayain siya sa isang mapanganib na misyon upang kuhanin ang sagisag ng kaharian ng Emberborn, na may malaking kapalit na salapi, hindi siya nag-atubiling tanggapin ito kahit na walang kasiguraduhan ang pagbalik niya ng buhay. Ngunit sa gitna ng paglalakbay at labanan, matutuklasan niya ang isang madilim na katotohanan: hindi siya ipinadala roon para lumaban at tapusin ang misyong iniatas sa kanya, kundi para matuklasan na siya ang huling sangkap sa pagbuhay ng isang itim na halimaw na gagamitin upang labanan ang kaharian kung saan siya nagmula. Habang patuloy niyang inaalam ang pagkataong mayroon siya ay sasamahan siya ng isang puting dragon na magsisilbi niyang karamay at kanlungan. Sa tulong nito ay matutuklasan niya ang tunay na limitasyon ng kanyang kapangyarihan. Hindi lamang niya taglay ang kakayahang kontrolin ang elemento ng yelo, taglay niya ang kapangyarihang hindi aakalain ng ilan. Hinubog ng lamig ang palad niya sa paglipad kasama ang nilalang na iisang dugo lamang ang nanalaytay.