uruglyknight
Sabi nila, kapag natapos na ang relasyon, dapat nang tapusin ang koneksyon. Na kapag binitawan mo na ang kamay niya, kasabay nitong naglalaho ang karapatan mong alagaan siya.
Pero paano kung ang huli mong pangako bago mo siya pakawalan ay ang pananatili sa tabi niya kapag gumuho ang mundo niya?
Alice Fuentes thought that when she and Ian Alcantara ended their relationship, it was the absolute end of their story. Subalit sa paglipas ng panahon, sa gitna ng mga bagyo, kabiguan, at mga luhang walang sumasalo... palaging may isang pamilyar na anino na tahimik na dumarating. Isang taong walang ibang hiling kundi ang maging balikat na pwede niyang iyakan kapag pagod na siya sa mundo.
Ian loved Alice enough to let her go. But he also loved her enough to keep his last, unspoken promise:
"I'll be your crying shoulder... I'll be the greatest fan of your life."
Isang kwento ng pag-ibig na hindi natatapos sa paghihiwalay, at ng pangakong mas matatag pa sa anumang unos.