3 musketeers girls hehe
3 stories
Almost Destiny by aLexisse_rOse
aLexisse_rOse
  • WpView
    Reads 1,563
  • WpVote
    Votes 62
  • WpPart
    Parts 3
Sawang-sawa na si Gabby sa mga blind dates subalit hindi naman siya makahindi sa nanay niya na isang frustrated matchmaker at pusher. Ganoon na lamang kasi ang pagtutulak nito sa kanya na magkaroon siya ng boyfriend. Pero para naman nananadya ang pagkakataon dahil palagi na lamang nauuwi sa disaster ang mga date niya. At sa mga pagkakataon na iyon ay pinagtatagpo naman ang mga landas nila ni Jace. She always encounter him by chance and runs into him accidentally. At sa tuwing magkakasalubong silang dalawa ay maraming kakaibang pangyayari ang nagaganap na hindi niya mabigyan ng paliwanag. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan sila ng pagkakataon. Tuloy, parang gusto nang maniwala ni Gabby sa sinasabi ng kanyang mga kaibigan na 'destiny'. "If we meet again don't think of it as destiny. Don't excite yourself!" Kontra agad ni Jace at very vocal ito sa pagsasabi na hindi nito type ang mga babaeng may 'double-side fried egg' na dibdib na tulad niya. Pero bakit taliwas sa sinasabi nito ang ikinikilos ng binata? Kung kailan umiiwas na si Gabby ay ito naman ang sunud ng sunod sa kanya. Hindi lang iyon, pati mga blind dates niya ay ginugulo at pinakikialaman nito. "I'm chasing destiny... I'm chasing you!" maramdaming wika ni Jace nang minsan komprontahin niya ito. Hindi niya gustong maniwala. Why? Sa sampung sinabi nito ay labing-isa ang puro kalokohan. Malay ba niya na pinagtitripan lang siya nito.
Need To Be Next To You by aLexisse_rOse
aLexisse_rOse
  • WpView
    Reads 14,831
  • WpVote
    Votes 319
  • WpPart
    Parts 4
Face of an Angel-- iyon ang deskripsyon ni Bryce kay Cassandra, na sa unang kita pa lamang niya ay napukaw na agad ang kanyang malanding puso. Subalit hindi pa nga siya nakaka-first base ay tablado na agad siya sa dalaga. Hindi niya akalain na sa likod ng maamo nitong mukha, may tinatago palang strong at fierce na personalidad. She was always cold, arrogant and distant towards him. Kaya naman ganoon na lamang ang pagkadismaya ni Bryce lalo na nang malaman niya na ito mismo ang head ng security group ng kanyang nakakatandang kapatid. Kung kailan nakaka-get over na si Bryce ay saka naman nagbiro ang tadhana. Si Cassandra na mismo ngayon ang naka-assign na maging bodyguard niya. At sa kabila ng walang pakialam at malamig nitong pagtrato, hindi lang isang beses siyang iniligtas ng dalaga mula sa bantang nakapaligid sa kanya. Tuloy, ang malandi niyang puso ay tumitibok-tibok na tila gusto nang magseryoso. Pero teka! Wala sa plano ni Bryce ang ma-inlove sa isang babae na madalang magsalita at hindi marunong ngumiti.
The Stranger In Me by aLexisse_rOse
aLexisse_rOse
  • WpView
    Reads 375,783
  • WpVote
    Votes 9,428
  • WpPart
    Parts 23
Sonnie knew that it's hard to pretend to be someone you're not... Especially as her own sister. Identical twin man silang dalawa ni Jellla, hindi iyon sapat para akuin niya ang buhay na iniwanan nito. Subalit ang magpanggap lamang ang tanging paraan ng dalaga para mabawi niya ang pamangkin sa pamilyang kumupkop dito. She had no choice but to agree with it. At kaakibat ng pagpapanggap na iyon ang makipagsalamuha sa mga taong malalapit kay Jella na umpisa lamang ay hayagan ang pagkadisgusto sa kanya, isa na roon si Clyde. She finds him irritating and nagging. Wala nang magandang lumabas sa bibig nito kundi puro pang-iinsulto at panunumbat. Bukod pa roon, palagi na lamang nakamasid ang binata sa mga kilos niya at para rito ay wala na siyang ginawang tama. Gusto na sana niyang sumuko ngunit may bahagi ng isipan niya ang hindi sumasang-ayon. May palagay si Sonnie na hindi lang ang itinatago niyang pagkatao ang nanganganib na matuklasan, kundi namemeligro rin na masangkot ang kanyang puso.