musubi_no2gashi's Reading List
4 cerita
NASUMPA NGA BA SILA O SILA MISMO ANG SUMPA? oleh musubi_no2gashi
musubi_no2gashi
  • WpView
    Membaca 30
  • WpVote
    Vote 20
  • WpPart
    Bab 4
Content Warning Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga eksena ng karahasan, pagpatay, dugo, trauma, pagkawala ng sanggol, at iba pang sensitibong paksa. Inirerekomenda ito sa mga mature na mambabasa. "Isa akong batang babae na natagpuang pira-piraso ang katawan sa isang basurahan, puno ng apatnapu't apat na saksak. Ako si Kanna. Bago mo alamin kung sino ang pumatay sa akin, kailangan mo munang malaman kung paano nagsimula ang lahat. Isang simpleng pamilya. Isang serye ng mga maling desisyon. Isang sumpang unti-unting sumira sa bawat isa sa amin. Ngunit ang tanong... Nasumpa nga ba kami, o kami mismo ang naging sumpa ng isa't isa?"
Ang Mangmang na Manglalakbay oleh musubi_no2gashi
musubi_no2gashi
  • WpView
    Membaca 35
  • WpVote
    Vote 16
  • WpPart
    Bab 4
Isang manglalakbay ang nagsimulang tuklasin ang mundo sa bawat hakbang ng kanyang mga paa. Ngunit habang lumalawak ang kanyang paglalakbay, unti-unti niyang matutuklasan na ang mundong kanyang ginagalawan ay may mga lihim na naghihintay lamang mabunyag. Ang bawat kabanata ay tila isang balot ng regalo. Sa bawat pahinang binubuksan, mas lumalapit ka sa katotohanan. Ngunit ang tunay na kahulugan ng lahat... ay matatagpuan lamang sa pinakadulo ng paglalakbay.
THE PERFECT TIME  oleh musubi_no2gashi
musubi_no2gashi
  • WpView
    Membaca 603
  • WpVote
    Vote 97
  • WpPart
    Bab 23
Ano ang mangyayari kung isang umaga, magising ka sa katawan ng taong halos hindi mo kilala? Sa unang araw ng pasukan, isang simpleng banggaan ang nagbago sa buhay nina Clark Mercado at Quee Berlin. Eksaktong 11:11 A.M., pareho silang nawalan ng malay matapos makarinig ng isang misteryosong tunog ng kampana. Pagmulat nila ng mga mata... Nasa katawan na sila ng isa't isa. Habang pilit nilang itinatago ang lihim na ito sa kanilang pamilya at mga kaibigan, unti-unti nilang matutuklasan ang isang sinaunang tadhanang nag-uugnay sa kanila-ang Red Thread of Fate. Ngunit... Hanggang kailan sila mananatiling ganito? At paano kung ang taong matagal mo nang hinahanap... Ay nasa maling katawan?
PANGARAP oleh musubi_no2gashi
musubi_no2gashi
  • WpView
    Membaca 51
  • WpVote
    Vote 28
  • WpPart
    Bab 8
Paano kung ang unang salitang narinig mo mula sa iyong ina ay hindi pagmamahal kundi pagtanggi? Ito ang kuwento ni Arnel, isang batang isinilang na may sakit sa puso, lumaki sa kahirapan, at araw-araw na naghahanap ng pagmamahal. Sa gitna ng sakit, pag-iisa, at mga pangarap na tila imposible, matututunan niyang hindi lahat ng sugat ay habambuhay na mananatiling bukas.