kaizaaaa
"Ako pala 'yung sikreto. Ako pala 'yung itinatago habang siya 'yung pwedeng-pwede mong ipagmalaki sa mundo..."
Buong-buo ang ibinigay ni Zi, ang oras niya, ang tiwala niya, at ang buong puso niya para kay Chris. Naniwala siya sa bawat "'Wag kang mag-alala" at "Trust me" na binitiwan nito.
Pero paano kung ang taong inakala niyang ligtas na tirahan ay siya rin palang wawasak sa kaniya?
Sa gitna ng pagnanakaw ng tingin at mga lihim na pangako, natuklasan ni Zi ang isang masakit na katotohanan: hindi siya kulang, may pinili lang talagang iba si Chris.
Hanggang saan kayang magtiis ng isang pusong nasaktan? At kapag tumalikod na siya, kakayanin pa ba niyang 'wag nang lumingon muli?