stalled_epitaph
- Reads 160
- Votes 63
- Parts 12
"The spelling is fundamentally incorrect, Serrano. But under the current framework... I will permanently allow the error."
Bilang isang second-year Business Student, sanay na si Paula Grace Serrano sa chaotic na takbo ng buhay. Kaya naman nang mapili s'yang maging kinatawan ng Greenford University para sa National Spelling Championship, alam n'yang bawat titik ay may katumbas na scholarship at kinabukasan.
Ang hindi n'ya pinaghandaan? Ang itinalagang Liaison na magbabantay at magte-train sa kanya:
Yohan Gabriel Aulveryc.
Gwapo, mayaman, at tagapagmana ng pinakamalaking engineering conglomerate sa bansa. Ang problema? Hindi s'ya tao, robot s'ya. Nabubuhay si Yohan sa mga formula, blueprints, at strict analytical parameters.
Ngunit paano kung sa gitna ng mga rigid calculations, medical prefixes, at tindi ng pressure ng kompetisyon, biglang magkaroon ng system error ang puso ng isang robot? Kaya ba ng lohika at semento na protektahan ang isang pusong unti-unti nang sumusuko sa thermodynamics ng pag-ibig? O ang tuluyang pagbagsak ng mga pader ni Yohan ang magiging mitsa para sa isang mas malaking uncalculated variable na tuluyang wawasak sa kanilang perpektong buhay?