leighziest
Hindi ko naman yata ikakamatay kung hindi ko nakuha ang gusto ko. Pero mukhang ikamamatay ko kung hindi ko natupad ang nais ng puso ko.
Sa isa't kalahating dekada naming magkakilala, hanggang doon nalang ba? Bawat oras, tawa, at pagsasama ay mawawala nalang ba nang parang bula? Alam na namin ang sikreto ng bawat isa, mga plano, at ang pag-ikot ng mundo. Ngunit, habang tumatanda kami unting-unti naming 'di maintindihan ang takbo ng oras at mundo. Ipinangako namin sa isa't isa na hanggang sa pagtanda ay kailangan magkadikit kami.
Kailangan o lilisan?
Siguro, darating din ang para sa amin. Darating sa paraan na hindi namin parehong inaasahan. Madalas ay naririto lang sa tabi namin, naghihintay lamang ng sandali.
Ang galing 'no?
Magkasama nating binuo ang mga pangarap natin, ngunit baka sa magkahiwalay na landas lang natin ito matutupad.
Book cover by: Ajjay Arts