Claineee
- Reads 180
- Votes 10
- Parts 33
Confession Between Us - Ongoing
"Some confessions are worth waiting for.
Some love stories are worth every chapter."
Alam mo ba 'yung feeling na gustong-gusto mo nang sabihin, pero natatakot kang baka masira lahat kapag sinabi mo na?
'Yun ang dinadala ni Zyen. Matagal na. Simula pa noong bata pa lang sila, hanggang sa paglaki nila, hanggang ngayon na hindi na niya alam kung hanggang kailan pa niya kayang itago.
Kasi minsan, hindi 'yung layo ang pinakamasakit. Kundi 'yung katabi mo na, pero hindi mo pa rin masabi kung ano talaga ang nararamdaman mo.
Ilang taon na silang magkasama ni Elowen. Ilang beses na niyang sinabi sa sarili niya, "Sa susunod na lang." Pero paulit-ulit lang, hanggang sa naging habang-buhay na yatang "susunod."
At ngayon, dumating na ang araw na hindi na niya kayang patagalin pa.
Kasi kung hindi mo sasabihin ngayon, kailan pa?
Isang confession na matagal nang naghihintay.
Isang puso na sawa nang matakot.
Minsan, ang totoong "brave" ay 'yung pagsabi mo, kahit alam mong may posibilidad kang masaktan.
Kaya bago ka pa maiwanan ng "sana nasabi ko na lang," basahin mo muna 'to.
All characters, events, and places in this story are purely fictional. Any resemblance to real people or actual events is entirely coincidental.
Copyright © 2026 Claineee. All Rights Reserved.