peachxvision
23 stories
Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at Juana by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 7,048
  • WpVote
    Votes 564
  • WpPart
    Parts 70
Katulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masaktan habang unti-unting hinuhulma ang di-tiyak na hinaharap ng kanyang pag-ibig. Kasinggulo ng kanyang mga nararamdaman ang pagnanais niyang maging makasarili sa kanyang sariling akda kahit na kagustuhan din naman niya ang ipabasa ito sa karamihan.
Spill the Tea by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 1,184
  • WpVote
    Votes 73
  • WpPart
    Parts 1
Tsismis is life para kay Chai kaya hinayaan niyang mag-usap ang mga ligaw na boses na naririnig niya sa kanyang headphones. Di niya nga lang inaasahan na bukod sa buhay kanyang mga katrabaho, may malalaman din siyang maitim na sikreto ng kanilang opisina.
First Come, First Served by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 1,145
  • WpVote
    Votes 79
  • WpPart
    Parts 1
Mas maagang makarating sa kinaroroonan, mas maganda ang puwesto, mas maauuna pa sa pagkain, at mas may iba kang oras para sa ibang gawain. Pero madalas, sa mga lumang building, kahit anong aga mo ay hinding-hindi ka mauuna.
Laro Tayo by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 33,905
  • WpVote
    Votes 3,195
  • WpPart
    Parts 31
Sa laro-larong relasyon, paano mo malalaman na unti-unti ka na palang natatalo? Dalawa ang dahilan kung bakit nag-enrol si Chel Laurel, isang incoming senior high school student, sa open-to-all special program na pakana ng school nila: una, para may advantage na rin siya kapag nag-umpisa na talaga ang klase at, pangalawa, para makasama pa at tuluyan nang umamin sa longtime crush niyang si Harper. Pero minalas kaagad siya dahil imbes na si Harper ang makatabi sa seating arrangement, nakatabi niya ang limot na niyang Grade 3 boyfriend at kalaro, si Ardi Lavarias. Mas malala? Epic fail ang pag-amin niya nang nalaman niyang girlfriend na ng crush niya si Val, isa sa mga nakaaway ni Chel sa junior high. Para malusutan ang kahihiyan sa harap ng ultimate crush niya, dineklara niyang boyfriend niya ang walang kamalay-malay na si Ardi dahil, technically, hindi naman sila nag-break. Medyo good news, pumayag si Ardi sa laro-laro nilang relasyon para sa ikatatahimik ni Chel. Medyo bad news, sa lahat ng laro, may mantataya at may matataya . . . may mananalo at may matatalo.
All That Poison by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 49,184
  • WpVote
    Votes 2,384
  • WpPart
    Parts 17
Walang balak magpa-distract si Ivy, isang chemistry instructor sa isang kolehiyo at isang masters student, para mas mabilis niyang marating ang mga gusto niya sa buhay, maski kay Achilles, isa sa mga estudyante niyang sinasadya siyang akitin. Nang akala niya ay tuluyan na siyang makakapag-focus sa pagtatapos ng kanyang klase kung sa'n naka-enroll si Achilles, saka naman mag-uumpisa ang di inaasahang kislap sa pagitan nilang dalawa -- kislap na umpisa pala ng isang malakas na pagliyab ng isang lasong nagbabalat-kayong pag-ibig. "All things are poison, and nothing is without poison: the dose alone makes a thing not poison." -- Paracelsus
Plot Twist by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 1,388
  • WpVote
    Votes 88
  • WpPart
    Parts 1
Matagal nang dalangin ni Tessa ang magka-plot twist sa nakayayamot niyang buhay. Buti pa kamo ang kapitbahay niya, meron na. Maibibigay rin naman, di nga lang sa paraang inaasahan niya.
Two Truths, One Lie by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 1,267
  • WpVote
    Votes 102
  • WpPart
    Parts 1
Pero bakit kailangang magsinungaling?
Over Again by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 10,271
  • WpVote
    Votes 755
  • WpPart
    Parts 16
Matapos ang isang di kanais-nais na aksidente, namulat na lang si Humphrey at napagtantong nabigyan siya ng isa pang pagkakataon upang makasama pa ang long-term girlfriend niyang si Irene. Kung tutuusin, sa pagkakataong ito, pupuwede niyang makasama ang kanyang pinakamamahal panghabambuhay. Ngunit alam naman ng lahat na ang mga ganitong pagkakataong ay may dala-dalang kapalit. Iisang araw, walang hanggang mga alaala, at paulit-ulit na masasakit na katapusan -- makakaya ba itong lahat ni Humphrey mapatunayan at mapanindigan lang ang bagong kahulugan niya ng "habambuhay"?
Safe Spaces by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 8,550
  • WpVote
    Votes 866
  • WpPart
    Parts 19
A collection of different stories. Mundane and macabre. Mischievous and malevolent. "Safe," not for those who have yet to leave.
Last Full Show by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 25,250
  • WpVote
    Votes 1,806
  • WpPart
    Parts 47
Kasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pasyalan sa Bayan ng San Juan, kung saan ang tanging maaabutan nila ay ang last full show ng isang horror movie . . . na mukhang sila-sila rin ang bida.