SZAIRYUBOOKARCHIVE
Hindi lahat ng pagmamahal ay nagsisimula sa unang tingin. Minsan, nagsisimula ito sa isang simpleng kabutihan.
Si Lucas Mateo Esquivella ay isang disiplinado at mabuting binata na may pangarap na maging miyembro ng Light Reaction Regiment at balang araw ay maging Captain, siya ay naniniwalang ang tagumpay ay bunga ng sipag, respeto, at tamang prinsipyo.
Sa kanyang pagpasok sa Maharlika Shrine University o MSU, hindi niya inaasahang ang isang simpleng aksidente ay magiging simula ng isang pagkakaibigang unti-unting magiging pag-ibig.
Samantala, si Maria Valerie Barinora, isang matalino at ambisyosang BS Nursing student mula sa isang mayamang ngunit mapagmahal na pamilya, ay unti-unting nahuhulog ang loob sa lalaking naging mabait sa kanya.
Sa gitna ng mga pangarap, tawanan, pagkakaibigan, pagsubok at mga lihim na bumabalot sa MSU, matututuhan nilang kailangan din nila lumaban at harapin ang bawat problema.