Jilib480
- Reads 11,294
- Votes 636
- Parts 72
Ang Kontinente ng Hyros ay kilala sa tawag na Land of Mystery. Kilala ang lugar na ito na may pinakamasukal na kagubatan na pumapalibot sa alinmang direksyon. Sagana sa likas na yaman ang bawat parte ng kontinenteng ito ngunit ang pangunahing suliranin nila ay ang malalakas na lebel ng kapangyarihan ng iba't ibang uri ng mga Martial Beasts na pagala-gala dito.
Napakaganda ang bawat araw at gabi sa mundong ito. Mula sa malalaki at makakapal na mga ulap na sinisinagan ng apat na buwan pati ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit.
Sa loob ng kontinenteng ito ay maraming mga kuru-kuro at mga kwento ng mga matatanda patungkol sa mga Heavenly Bodies/Objects na makikita sa araw o gabi man kagaya na lamang ng mga bituin,buwan, araw at iba pa.
Ang kwentong ito ay mga bantog lalong lalo na sa mga musmos na mga kabataan ng maliit na kontinenteng ito.
Nakakatakot ngunit nakakamangha para sa lahat ng makakarinig nito. Napakaimposibleng isipin ngunit halatang naguugstuhan ng mga batang musmos pa lamang.