hereo_hariiii
"Kung alam ko lang na ang simpleng pagpasok ko sa Northeastern College ang magiging simula ng pinakamagandang kuwento ng buhay ko... sana mas pinaghandaan kong masaktan."
Si Skye Ramirez ay isang tahimik na freshman ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino. Mahilig siyang magsulat ng mga tulang hindi niya kayang sabihin nang malakas at mga salitang siya lang ang nakakaunawa. Ang tanging hangarin niya ay makapagtapos, maging guro, at tuparin ang pangarap na matagal niyang ipinangako sa sarili.
Ngunit sa isang kampus na puno ng libo-libong estudyante, hindi niya inaasahang magtatagpo ang landas nila ng isang 3rd year Criminology student, isang lalaking hindi niya hinanap, ngunit unti-unting naging tahanan ng puso niyang matagal nang natutong mag-isa.
Nagsimula ang lahat sa mga simpleng pagkakataon. Sa mga pasilyong paulit-ulit nilang dinaanan. Sa mga tinging walang ibig sabihin. At sa mga salitang hindi agad nasabi.
Hanggang sa isang araw, namalayan na lamang nilang pareho na silang nagsusulat ng kuwentong hindi nila alam kung paano sisimulan... at lalo pang hindi alam kung paano tatapusin.
Dahil hindi lahat ng pag-ibig ay itinadhana upang magtagal. Ngunit may mga pag-ibig na darating upang turuan kang magmahal, masaktan, magpaalam... at sa huli, piliin ang sarili.
Ito ang kuwento ng isang pusong unang natutong sumulat... bago tuluyang natutong bumitaw.