Slentheart
Ang pamilyang Ravanheart ay isa sa pinakamayamang pamilya sa buong Asya nagmamay-ari sila ng malalaking kumpanya at negosyo. Lubos silang iginagalang at kinatatakutan ng marami, at walang sinuman ang makakapantay sa tindi ng kanilang yaman at kapangyarihan.
Ang kanilang panganay na anak na si Azrael ay isang modelo at laging tampok sa mga balita at magasin. sadyang perpekto at angkop para sa kanyang propesyon. Maraming bansa at kilalang tatak ang nagnanais siyang kunin at makasama dahil sa pambihirang kagwapuhan at alindog na kanyang taglay. Halos hindi na siya makalabas nang malaya sa publiko, sapagkat kapag nakita siya, agad siyang dinadagsa at pinagkakaguluhan ng mga tao. Kaya naman, laging nakasuot siya ng face mask tuwing aalis ng bahay
Si Zevarious naman, ang bunsong anak ng mga Ravanheart, ay isang mahusay na musikero at tanyag sa buong mundo. Sa pamamagitan ng kanyang musika at mga awiting nagbibigay ng ligaya at pag-asa, marami ang nahuhumaling at naantig ang damdamin. Ang kanyang mga kanta ay laging nangunguna sa mga listahan at laman ng mga playlist sa Spotify. Maraming tanyag na musikero at grupo ang nag-aalok na siyang kunin
Sa likod ng kanilang tagumpay at kasikatan, may tinatagong lihim ang magkapatid na sila lamang ang nakakaalam. Habang sa harap ng publiko ay lalo silang nakangiti, masayahin, at mahinahon, pag-uwi naman at pagpasok sa loob ng kanilang tahanan, sadyang nag-iiba ang kanilang ugali nagiging mainitin ang kanilang ulo at madaling magalit.
Sa kabilang dako naman, naroon ang pamilyang Xerion isang pamilyang namumuhay sa kahirapan at nabibigatan sa maraming utang. Ang ama ng tahanan ay isang sugapong sugarol.
Si Caedric ay isang binata sa unang tingin ay madali siyang mapagkamalang babae dahil sa hugis at ganda ng kanyang anyo. Gayunpaman, hindi siya katulad ng ibang mga baklang nagbibihis o gumagaya sa kilos ng kababaihan. Simple lamang siyang manamit at kumilos.