doubled_aa
" Hindi lahat ng bilangguan ay gawa sa rehas na bakal .. Ang pinakamabisang piitan ay ang sarili mong isipan ."
SI Special investigator Rogelio Morales ang itinuturing na elite mind hunter ng NBI Behavioral Science Division . Bansag sa kanya - AGENT ROOK !
Sa loob ng interrogation room ang armas nya ay sikolohiya , manipulasyon at ang kakayahang basahin ang pinakamadidilim na sulok ng utak ng Isang kriminal
Ngunit matapos n'yang maipakulong ang sadistang killer na anak ng makapangyarihang bilyonaryo na si Don Alejandro , biglang nagbago ang laro
Sa loob ng Isang gabi lang binura ang kanyang pangalan , ginawan ng pekeng medical record.. binaliw .. ang hatol - ipadala sya sa St Jude Asylum - sa Ilalim ng madilim na guho ng Lazareto de Mariveles - Ang pinaka mahigpit na pasilidad ng mga baliw sa bansa ..
Ang hindi alam ng kanyang mga kalaban .. Sinadya ni Agent Rook ang pagbagsak nya ..
Dahil sa Asylum ang mismong pugad ng kasakiman at illegal na negosyo ni Don Alejandro na nakatago sa loob ng mental facility ..
At upang ilantad ang katotohanan , kailngan ni Agent Rook maglaro sa isang bagong chessboard
Ang Gray Arena
Kasama ang nag iisang taong naniniwalang hindi siya baliw -- si Dr . Carlo Madrona ,
Isang neuro psychiatrist at kailngan nilang makipag unahan sa oras bago sila tuluyang itumba ng bayarang killer sa loob ..
Ang tanong SI Don Alejandro nga ba ang unang makaka - checkmate kay Agent Rook ? O ito na ang simula ng imposible n'yang pagTAKAS ?