We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.
‎caffeine & consciousness w/n the cosmic web ⋆ ۶ৎ ݁˖ . ݁
3 stories
���𝖆𝖓𝖌 𝖒𝖊𝖓𝖘𝖆𝖍𝖊𝖗𝖔 by mikiesque
mikiesque
  • WpView
    Reads 299
  • WpVote
    Votes 33
  • WpPart
    Parts 16
Isang buwang magiging tulay si Eliseo (hindi niya tunay na pangalan) kapalit ng yamang pantustos sa kanyang kolehiyo. Siya ang magiging tagahatid ng mga sulat sa pagitan ng isang lider ng kilusan at ng isang paring seglar at maestro sa paaralan. Ang paksa ng kanilang usapan? Hindi siya sigurado at hindi niya balak na alamin pa iyon. Ang tanging layunin niya ay maisakatuparan ang misyon sa kabila ng mahalagang kondisyon: ang pumasok bilang estudyante sa paaralang eksklusibo lamang para sa mga kalalakihan nang walang nakakaalam sa kanyang ginagawa. Kung tutuusin, magaan pa para kay Eliseo ang gagawin. Kaya nang alukin siya ng isa pang misyon ay tinanggap niya agad. Isang gabi lang naman siyang magiging tagapaglibang ng mga bisita sa gaganaping piging sa bahay na bato. Ngunit, ang akalang magiging payapa ang gabi ay biglang naglaho nang masilayan niya sa gilid ng sala real ang kaklaseng nakatingin sa kanyang direksyon. At hindi lang basta kaklase. Siya rin ang kasama sa kwarto ni Eliseo. Si Isagani o mas kilala bilang Gani. Nakasuot ito ng barong tagalog, itim na pantalon, at sapatos na gawa sa katad. Kumpara naman sa suot ni Eliseo na traje de mestiza, peluka, at may pamaypay pa. - "Maaari ba kitang isayaw, binibini?" "Punye-" Napatigil si Eliseo nang may dumaan sa kanilang gilid. Nang sigurong wala ng makakarinig ay ibinalik niya ang masamang tingin sa isa. "Ngayon pa talaga? Sa sitwasyon natin ngayon? Kanina lang, tinawag mo akong bayaran. Tapos ngayon, yayayain mo ako-" Bahagyang lumapit si Isagani sa tainga ni Eliseo. "Nakatingin siya." Kumunot ang noo ni Eliseo at napaayos ng tindig. "Sino?" "Siya." Napalitan ng takot ang tapang sa mata ng tinawag na binibini. "Ang lalaking naka...?" Pasimpleng tumango si Isagani, hindi bumibitaw sa mga mata ng naka-bihis dalaga. Hindi niya intensyon ang magpaalala ng takot sa kanya. Kaya naman, dahan-dahan niyang hinila ang kamay ni Eliseo katuloy ng mahina niyang pagsambit, "Kaya sa akin lang ang tingin."
𝐚𝐥𝐚𝐬 𝐝𝐨𝐬𝐞; 𝐠𝐢𝐚𝐧 𝐛𝐞𝐫𝐧𝐚𝐫𝐝𝐢𝐧𝐨 by mikiesque
mikiesque
  • WpView
    Reads 2,152
  • WpVote
    Votes 134
  • WpPart
    Parts 30
in which elle stayed in the same laboratory school to finish her senior high school years, just minding her own business being a star student, a first aider, and a student leader that she is. and not knowing that she is already entangled with the members of one of the biggest opm bands in the future. just baby joes x baby elle x baby kaye shs au ; the back story [a multo prequel no one asked for but is provided]
𝐦𝐮𝐥𝐭𝐨; 𝐠𝐢𝐚𝐧 𝐛𝐞𝐫𝐧𝐚𝐫𝐝𝐢𝐧𝐨 by mikiesque
mikiesque
  • WpView
    Reads 3,433
  • WpVote
    Votes 126
  • WpPart
    Parts 21
Lahat tayo ay may sariling multo. Maaaring ito ay isang taong minahal mo pero nakatadhana lang sa nakaraan mo. Maaaring ito ay mga oportunidad na hindi mo naipanalo. Maaari ring ito ay mga boses na bumubulong tuwing gabi at nagsasabing, "Ano kaya ang pakiramdam ng mabunot sa raffle draw?" Lumipas man ang mahabang panahon ngunit ang lahat ay tila kahapon lamang nangyari. Inilayo mo na nga ang iyong sarili ngunit kahit ano pang distansya ang namamagitan ay tila nasa malapit pa rin ito. At para kay Elle, hindi mali ang kanyang kutob dahil isang araw, nagpakita ang kanyang multo na nakasuot ng pang-food delivery rider.