AteTenTenWP
LA CASA IMPERIAL SERIES 2
HIS HARDEST CHASE
"She became the most wanted woman in his empire... but capturing her heart would become his greatest defeat."
Bilang isa sa pinakamakapangyarihang tagapagmana ng Valcazar Empire, walang target na nakatakas kay Stefan Valcazar
Isang billionaire banker.
Playboy. Mapang-asar. Mapanukso. Henyo sa negosyo. At walang awang maningil.
Ngunit isang babae ang tuluyang gumulo sa lahat ng kanyang plano.
Kaia Sinclair Devereux.
Ang Acting CEO ng Devereux Group.
Habang palihim niyang iniimbestigahan ang pagkawala ng bilyun-bilyong pondo ng kanilang kumpanya, isang bangungot ang bumagsak sa kanya.
Isang napakalaking utang.
Bilyun-bilyong piso.
At ang mas nakagugulat...
Sa kanya nakapangalan ang lahat.
Kumpleto ang loan documents.
Kumpleto ang bank records.
Maging ang kanyang pirma ay perpektong napeke.
Sa loob lamang ng isang araw, mula sa pagiging respetadong CEO, naging pangunahing suspek siya sa pinakamalaking financial fraud sa bansa.
At ang lalaking determinadong papanagutin siya...
Ay si Stefan Valcazar
Para kay Stefan, isa lamang si Kaia sa mga taong dapat magbayad.
Para kay Kaia, si Stefan ang pinakamalaking balakid sa paghahanap ng katotohanan.
Ngunit habang lalong umiinit ang kanilang banggaan, unti-unti ring nabubunyag ang isang sabwatang kayang magpabagsak ng mga imperyo.
Sa mundong ang bawat pirma ay maaaring maging sentensiya, at ang bawat pagtitiwala ay maaaring maging pagtataksil...
Sino ang tunay na may sala?
At kapag lumabas ang buong katotohanan...
May matitira pa kayang puso na hindi wasak?
In a world built on power, lies, and betrayal... his hardest chase was never the fugitive. It was the woman he was never supposed to love.