TintaniSolelia
Sunrise, Us, Never
Hindi lahat ng pagmamahalan ay nagtatapos sa "forever." Minsan, sapat na ang isang umaga para baguhin ang buong buhay mo-at sapat din ang isang paalam para sirain ang lahat ng pinangarap n'yo.
Si Izaiah Miles, isang simpleng flower vendor na laging naniniwalang ang bawat pagsikat ng araw ay panibagong simula. At si Evangelo Lawrence, isang lalaking hindi niya inaasahang magiging pinakamahalagang bahagi ng buhay niya.
Nagsimula ang lahat sa isang aksidente. Nauwi sa pagkakaibigan. Hanggang sa unti-unting namulaklak ang isang pag-ibig na akala nila ay habang-buhay.
Pero paano kung ang taong itinuro sa'yo kung paano magmahal... ay siya ring taong itinakdang mawala?
Sa bawat pagsikat ng araw, may panibagong pag-asa. Pero para kina Evangelo at Izaiah, bawat pagsikat ng araw ay paalala na may mga taong mamahalin mo nang buong puso... ngunit hindi kailanman magiging sa'yo.
Because some love stories are meant to bloom beautifully-only to end before forever begins.