AsahiRenYoshida
Isang simpleng 18-taong gulang na estudyante lang si Ray-o 'yun ang akala niya. Matapos niyang batan ang isang nakamamatay na lagnat na nag-iwan ng malamig at makinang na Ash Gray na kulay sa kalahati ng kanyang buhok, nagising siya sa isang lungsod na tuluyan nang nabalot ng impyerno. Hindi niya alam, ang pabaligtad na eksperimento mula sa madilim na nakaraan ng kanyang pamilya ang nagpakawala ng isang hindi pa tapos na virus na nagpayanig at nag-mutate sa buong mamamayan.
Nang lumabas ang matinding takot sa Antipolo City Senior High School, walang nagawa si Ray kundi tumayo at pamunuan ang isang desperadong grupo ng mga estudyanteng na-trap sa loob. Sa tulong ng mga lihim na kilos ng kanyang tito at tita-isang dating spy at isang assassin na nakikipaglaban sa anino para protektahan siya-kailangang takasan ni Ray ang mga saradong pasilyo, kakulangan sa gamot at pagkain, at ang hindi maiiwasang trayduran.
Ngunit hindi lang ang mga halimaw sa labas ang kanyang kaaway. Sa lalim ng dugo ni Ray, nakatago ang "Patient Zero"-isang tulog na kapangyarihang nagre-react sa virus sa kanyang paligid. Sa bawat madugong desisyon, sa bawat natitirang bala, at sa bawat lagim sa kabundukan ng Rizal, kailangang ipaglaban ni Ray ang kanyang pagkatao... bago tuluyang huminto ang oras at magising ang tunay na halimaw sa loob niya.