RuenaBabor's Reading List
127 stories
Twilight Academy by CptnSprmn_08
CptnSprmn_08
  • WpView
    Reads 195,261
  • WpVote
    Votes 8,206
  • WpPart
    Parts 73
(COMPLETED) Si Shakira Sutherland ay isang Vampire na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang mapayapa. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Matututo siyang maghiganti sa mga Vampire na pumatay sa kanyang mga magulang. Kaya naisipan niyang pumasok sa Twilight Academy. Magtatagumpay kaya siya? ~•~ Welcome to Twilight Academy of Vampires with Extraodinary Abilities #14 in Vampire (03-24-20) #30 in Vampire (05-23-17) CptnSprmn_08 Date started: April 2016 Date finished: April 24, 2017
ESMERALDA Book 2 by SpykeLoveStacey
SpykeLoveStacey
  • WpView
    Reads 62,511
  • WpVote
    Votes 2,618
  • WpPart
    Parts 43
Mga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeralda? At ano ang malaking papel na gagampanan nya sa tatlong kwentong ito? 1st story : BLACKIE 2nd story : NIÑO 3rd story : DEADLY MUSIC Date Started : January 6, 2020 Date finished : January 18, 2020
The Untold Real Stories 2 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 186,082
  • WpVote
    Votes 6,460
  • WpPart
    Parts 39
Ang mga kwento na inyong matutunghayan ay base sa tunay na karanasan ng mga taong nasasangkot. Sama-sama nating buksan ang nakapinid na pintuan ng kanilang kasaysayan...... Espiritu Guni-guni o isang katotohanang mahirap ipaliwanag? Alamin ang kwento ni Miguel. Bintana Bunga ba ng mapaglarong imahinasyon, o isang pangitain na magaganap sa tamang panahon? Palengke Biro lamang, o isang babala? Paano kung maganap na ang hindi inaasahan? Pakiramdam May mga pangyayari ba na ikaw mismo ang nakaranas? Masasabi mo bang ito'y isang kalokohan lamang?
SBAATSB 3- Ang SUGO by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 157,899
  • WpVote
    Votes 1,539
  • WpPart
    Parts 5
Nagbalik ang alaala ni Sebastian. Alam na niyang siya si Baste, ang tinutukoy sa Alamat na nakatagpo ng mahiwagang tubig sa bukal. At si Anghel, ang naging bunga ng pag-iibigan nila ng matalik na kaibigang si Rosalia. Ang anak ng Alamat na naging katuwang ng ama sa pagliligtas ng Baryo Masapa sa tiyak na kapahamakan. Muli siyang magbabalik taglay ang misyong palaganapin ang kapayapaan sa lahat ng dako. Sa patnubay ng mga makapangyarihang nilalang na naninirahan sa loob ng kakahuyan. Sa tulong ng mga hayop na nagagawa niyang kausapin sa pamamagitan ng isip lamang. Samahan natin siya sa pagganap ng dakilang tungkuling iniatang sa kanya. Si Anghel, ang anak ni Sebastian. Siya... Ang Sugo Paunawa: Ang kwentong ito ay karugtong ng Si Baste at ang Tubig sa Bukal at Anghel ng Baryo Masapa. Upang maiwasan ang pagkalito, mangyaring tunghayan muna ang mga naunang kwentong nabanggit. Salamat po.. --**--ajeomma--**-- Copyright © ajeomma All Rights Reserved
SBAATSB 2- Anghel ng Baryo Masapa by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 313,893
  • WpVote
    Votes 1,550
  • WpPart
    Parts 4
Si Baste at ang tubig sa Bukal Book 2 Halika na at muli mo akong samahang tunghayan ang kasaysayan ng isang kakaibang paslit na nagngangalang Anghel... ang anak ng isang Alamat. ~ ** ~ "Awooo!" Malakas na alulong ni Balbon upang ibalita sa pangkat ng mga lobo ang pagsisilang ni Rosalia. Hindi ito mapakali sa bawat pag-iri at pagsigaw ng nanganganay na ginang. "Huwag ka riyan umumang sa pintuan, Sebastian! Lalong mahihirapan sa panganganak ang asawa mo. Dumoon ka na muna sa labas." Natatarantang sabi ni Minyang sa pamangkin. Agad namang sumunod ang ama ng sanggol na isisilang . Sa likod bahay ito nagpabalik-balik habang nilalamukos ang sariling mga kamay. Mayamaya pa ay... "Uha! Uha!" Napatalon si Sebastian sa kagalakan at humahangos na pinuntahan ang kanyang mag-ina. Samantala... "Awooo..." Muling alulong ni Balbon upang ibalita sa lahat ng nilalang sa loob ng kakahuyan ang pagsilang ng isang sanggol na lalaki. Ang paslit na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at nakatalagang gumanap ng malaking papel sa MASAPA ayon sa librong pinangangalagaan ng mahiwagang Ingkong. Si Baste, ang kanyang amang nakatagpo sa mahiwagang tubig sa bukal... tuluyan na kayang nabura sa alaala nito ang mahihiwagang nilalang na naging kaibigan? Ano-ano ang panganib na haharapin ng mag-ama upang mapangalagaan ang mga kababaryo at ang kakahuyang tirahan ng mga nilalang na tanging sila lamang ang nakakarinig at nakakakita? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Si Baste at ang Tubig sa Bukal  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 367,077
  • WpVote
    Votes 3,902
  • WpPart
    Parts 10
"Bakit lagi nila ako niaaway? Hindi ko naman sila niaano, a." Humihikbing sumbong ni Baste sa alagang aso. Tila nakakaunawa, ikiniskis naman ng aso ang ulo sa braso nito. Binata na si Baste kung pagbabasihan ang panlabas na kaanyuan, subalit ang isip nito ay kahalintulad ng isang musmos, inosente't walang muwang. Madalas ay tampulan ng tukso at ginagawang katatawanan ng ibang tao. Ang lahat ng pagdaramdam ay idinadaan na lamang nito sa tahimik at impit na pag-iyak. Datapuwa't may kakulangan, si Baste ay may kakayahang makakita ng 'di pangkaraniwang nakikita ng ordinaryong mga mata. Subalit, paano siya paniniwalaan ng mga taong ang tingin sa kanya ay sintu-sinto at kulang-kulang? Ano ang magiging kaugnayan niya sa bukal? Anong hiwaga ang matutuklasan niya sa tubig? Ano ang magiging kapalit ng kanyang pagtitiis at pagpapakumbaba? Sama-sama nating tunghayan ang kanyang kasaysayan........ Copyright © ajeomma All Rights Reserved
My Time Is Now book 1 (COMPLETED) by CandiesForFree
CandiesForFree
  • WpView
    Reads 59,269
  • WpVote
    Votes 1,503
  • WpPart
    Parts 41
Nang dahil sa BULLYING, buhay nila ay manganganib. Sampung magkakaibigan, lahat paghihigantihan. Lahat uubusin, walang balak na magtira ni isa ang salarin. Mapipigilan pa kaya nila ang kalaban gayung sila'y nagkaka-ubusan? BASAHIN NIYO NALANG! credits to @myuniki para sa bagong cover nitong My Time Is Now.
Hunting Murder by CM_Esguerra
CM_Esguerra
  • WpView
    Reads 77,249
  • WpVote
    Votes 1,649
  • WpPart
    Parts 18
Simula pagkabata nawalan na ng paningin si Cassy dahil sa isang aksidente, labing-limang taon siyang hindi nakakakita hanggang sa magkaroon siya ng eye donor, nang mailipat na sa kanya ang mata ng eye donor, naging successful naman ang operasyun hanggang sa makakita muli siya. Pero ang pagkakaroon ng paningin ay may madugong kapalit, simula rin nang makakita siya, kasabay nito ang mga hindi niya inaasahan, nakakakita siya ng kaluluwa, nakikita niya kong paano mamamatay ang isang tao, mas pipiliin pa niyang maging bulag uli kesa ang makakita ng mga ga'nung bagay at guluhin ng mga hindi pa natatahimik na kaluluwa. May higit pa siyang kailangan malaman kong bakit napunta sa kanya ang mata, aalamin niya kong sino ang eye donor na nagbigay nito sa kanya.
Paraiso de Maligno (Published by Lifebooks) by sweet_phoenix35
sweet_phoenix35
  • WpView
    Reads 30,514
  • WpVote
    Votes 369
  • WpPart
    Parts 6
May tumulak kay Rose Anne Grandia sa ilog na muntikan na niyang ikalunod. Nagkaroon siya ng suspetsa na may gustong pumatay sa kanya. Wala siyang pwedeng pagtiwalaan. Hindi naging maganda ang reputasyon ng mga nasirang magulang sa lugar na iyon. Ayaw rin sa kanya ng Tita Toria niyang acting manager ng Grandia Resort - property na pag-aari rin niya. Dumating sa buhay niya si Jamie. Isa itong nilalang na kalahating tao, kalahating isda. Kakatwang, kapangalan at kahawig nito ang kuya niyang sumalangit na rin. Ilang beses siya nitong nailigtas sa panganib at naging palagay na ang loob niya rito. Isa raw engkanto ng tubig si Jamie. Ang problema, may nadiskubre si Rose sa bagong kaibigan. Kumakain ito ng tao! *Available na po in print ang 'Paraiso de Maligno'. Please check out the link: https://shopee.ph/Paraiso-de-Maligno-by-Sweet_Phoenix35-i.17030512.6114512374 Salamat po sa inyong suporta :)
KAGUBATAN (COMPLETED)✔ by SulatKaliwete
SulatKaliwete
  • WpView
    Reads 57,292
  • WpVote
    Votes 1,126
  • WpPart
    Parts 16
Masayang bakasyon sana ang plano ng limang magkakaibigan ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay naging karumal-dumal ito. Napadpad ang kanilang sinasakyan na van sa kagubatan. Sa kabila nito ay may isang estranghero na handang kumitil ng buhay nila sa hindi malaman na dahilan. Makakaya ba nilang patayin ang estranghero na iyon? O tatakbo na lang sila hanggang sa sila'y makaligtas? Started: November 2018 Finished: February 2019 Watty awards 2019 winner🏆 sa kategoryang Mystery and Thriller 09/30/19