MidnightEscolta
- Reads 52,452
- Votes 235
- Parts 35
Sa mundo ng mag-asawa, hindi lamang saya ang dulot ng pagsasama-maraming pagsubok ang darating upang patatagin ang relasyon. Gaya ng sinumpaan sa altar, may pangakong nakataga sa kanilang mga puso na mananatiling matapat sa isa't isa. Sa katunayan, ayon sa mga kasabihan, walang perpektong relasyon at tanging sa ilalim ng iisang bubong mo lamang tunay na makikilala ang iyong kapareha.
Si Mayor Simeon Pablo DiMarco, mula sa angkan na may pinakamalawak na hacienda sa buong Negros, ay kilala bilang pinakamamahal na ama ng bayan ng La Consolacion. Siya rin ang haligi ng kanyang tahanan, sinusuportahan ang kanyang asawa at anak. Subalit, sa likod ng kanyang tanyag na pangalan, matagumpay na karera, at masayang pamilya, ay may mga lihim na nakatago sa kanilang tahanan.
Ang taong hinahangaan, na inaasahang simbolo ng katatagan---one of the deadly sex sins:
Adulterio. Adultery.
Matapos ang masigasig na araw ng paglilingkod sa bayan, si Mayor Simeon ay umuuwi bilang isang ama, nag-aalay ng kanyang oras at dedikasyon. Siya rin ang unang ama na naging inspirasyon sa pagbuo ng "Daddy Society."
Tinatawag siyang "Daddy Number One" o "Daddy Juan".