PHR
22 stories
Stallion Riding Club Series by rutchel14
rutchel14
  • WpView
    Reads 9,226
  • WpVote
    Votes 70
  • WpPart
    Parts 49
List and Blurb of the book/stories of Stallion Riding Club Series written by Sonia_Francesca and SofiaPHR. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Disclaimer: Again, the series/ books author are Sonia_Francesca and SofiaPHR. I do not own any of the photos and stories. Photo Credits to the owner of the photos
The Gonzales-Carredano Saga 1: Sweet Attraction - Fiorella by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 5,566
  • WpVote
    Votes 93
  • WpPart
    Parts 10
Alexis Carredano. A handsome playboy pilot. Isang gigolo na tila walang pakialam sa mundo. He never took anything serious... kabilang na ang mga babae. For him, women were just playthings he could easily discard. At hindi alam ni Jessica kung paano siyang nahulog sa karisma ng binata sa kabila ng taglay nitong mga kapintasan. Walang patutunguhan ang pag-ibig niya rito. Tulad ng iba'y paglalaruan din lamang siya nito. At hindi niya dapat kalimutang ikakasal na siya.
Man Of My Dreams 2: Mr. Sungit - Cora Clemente by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 11,807
  • WpVote
    Votes 207
  • WpPart
    Parts 11
Ginawa ni Sylla ang lahat para mapansin ni Joenard de Rucci, ang Filipino-Italian na crush ng bayan. He was the man of her dreams. Sa kagustuhang mapansin siya ng binata, kung anu-ano na ang kanyang ginawa. Nag-tryout siya sa women's team sa eskuwela pero nadapa. Sumali sa cheering squad, pero hindi napili -- naging katatawanan pa siya sa harap ni Joenard at ng barkada nito. Sinikap niyang iwasan at kalimutan si Joenard Pitong taon na ang nakaraan nang muli silang magtagpo ng lalaki. Siya bilang physical therapist ni Joenard na nabalda dahil sa isang aksidente. Subalit bakit hanggang sa ganitong kalagayan ni Joenard ay lagi pa rin siyang sinasaktan nito... iniinsulto ang kakayahan niya? Pero ano ba ang ibig sabihin ng mga panakaw nitong tingin sa kanya? At bakit tila yata nagseselos ito kay Dr. Ruel Mariano, ang doktor ng team nito?Ano ba ang dapat niyang isipin sa mga inconsistencies nito?
The Substitute Groom - Noelle Arroyo by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 8,970
  • WpVote
    Votes 147
  • WpPart
    Parts 11
Isang linggo bago maikasal si Jeanne kay Pons-na best friend niya at siya ring lalaking ipinagkasundo sa kanya-ay namatay ito dahil sa isang aksidente. Hindi pa siya nakakabawi ay nalaman niyang ang half brother nitong si Bastian ang papalit dito sa kasal. Nataranta siya. Lalaking-lalaki si Bastian, samantalang ang kanyang namatay na best friend ay isang closet queen. Paano siya tatakas kung ang kapalit niyon ay dangal ng kanyang mga magulang? Pero maayos naman palang kausap si Bastian. Strictly platonic lang ang magiging relasyon nila. Besides, may annulment. Kapag nakaraos sila sa kasalan, makakaraos din sila sa hiwalayan. Ang problema, hindi napigilan ni Jeanne na ma-in love kay Bastian hindi pa man sila naikakasal. At kung kailan damang-dama na nila ang pag-ibig sa isa't isa, saka naman natuklasang hindi talaga patay si Pons...
Los Allegros 2: A Man Without Love - Margarita Nuestro by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 9,375
  • WpVote
    Votes 142
  • WpPart
    Parts 10
Mainit na agad ang dugo ni Madelleine kay Norman the first time she saw him. She didn't care if this man saved her father's life. Pero nang ipilit ng kanyang ama na ipakasal ang lalaki sa panganay niyang kapatid, bakit parang mas higit ang pagtutol niya kaysa sa mga ikakasal? Inudyukan pa niya ang kanyang Ate Kashmir na tumakas upang hindi matuloy ang kasal. Kaya laking gulat niya nang siya ang hingin ni Norman sa kanyang ama na kapalit ni Kashmir. He wanted her to be his bride. Dapat ba siyang matuwa? She would be marrying the most attractive man she had ever met in her whole life. But this man didn't know the meaning of love. And with that thought, hindi niya malaman kung bakit siya nasasaktan...
Los Allegros 4: With This Diamond Ring - Margarita Nuestro by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 6,190
  • WpVote
    Votes 105
  • WpPart
    Parts 8
Edmond was so brutally frank sa pagsasabing partner in bed lang ang gusto nito kay Nikki. Who could love his bad-boy image? Basagulero numero uno at papalit-palit ng girlfriends. He was rough, brutal, and every thing a bad boy could be. At kahit dumating sa puntong kinamuhian niya ang binata at ipinangako sa sariling she would get even with this man, still she could not bring herself to hurt him. And perhaps she was a fool, dahil minahal niya si Edmond sa kabila ng mga kapintasan nito.
Los Allegros 5: Don't Say Goodbye, Love - Margarita Nuestro by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 6,138
  • WpVote
    Votes 91
  • WpPart
    Parts 10
There was instant attraction the first time their eyes met. Renan was so gorgeous and rich every woman's dream sa Hacienda Allegro. Ang lalaki ang sagot sa matagal nang pangarap ni Jessica ang yumaman. Kapag pumasok ito sa kanyang bitag, kanınggitan sıya ng kanyang mga kaibigan. Jessica was beautiful and sexy, pam-beauty queen ang porma. Siya ang puwedeng i-display ni Renan sa barkada. Kapwa sila may kanya-kanyang motibo kung bakit nagsikap na mapansin ng bawat isa. But who could have known that they were destined to fall in love with each other? So much in love that even if they were hurting each other-it was so hard for them to say "goodbye".
Baliw Na Pag-ibig Ni Alicia - Vanessa by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 19,805
  • WpVote
    Votes 429
  • WpPart
    Parts 28
Alicia met Rodrigo when she was sixteen. Hindi niya kaliga ang lalaki. Nagtatrabaho lamang siya bilang kawaksi sa mansiyon ng mga ito habang ito ay marami nang accomplishments sa buhay nito. Kasama na roon ang bilang ng magagandang babaeng balita niyang na-involve dito. Nangangamba siya tuwing nasa mansiyon ito sapagkat hindi niya alam kung ano ang gusto nito sa kanya. Dinala siya ng kapalaran niya sa Amerika at muli silang nagkita. Ngayon ay nagtatrabaho na siya sa isang malaking kompanya. Rodrigo was more dashing than before. He asked her to work for him. She took his offer. Hindi niya alam na iyon ang simula ng kabaliwang huhulma sa kapalaran nilang dalawa..
Braganza Men 1: Magiting - Maureen Apilado by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 8,490
  • WpVote
    Votes 218
  • WpPart
    Parts 13
Magiting Braganza-nagtataglay ng maamong mukha, ngunit taliwas iyon sa ugali nito: pilyo, gala at malikot sa babae. Ngunit sa dinami-dami ng involvements niya sa iba't ibang babae, bakit hindi niya makalimutan ang magandang babaeng na-snatch-an na kanyang tinulungan? To think na wala pa yatang isang minutong nakatitigan niya ito. After three years, muli silang nagkita. At sa ikalawang pagkakataon ay itinaya niya ang buhay para dito. But how could he win her kung nakatakda na itong pakasal? Kahit sabihin pang inunahan na niya ang nobyo nito sa pag-angkin sa dalaga!
Braganza Men 2: Malakas - Maureen Apilado by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 8,600
  • WpVote
    Votes 213
  • WpPart
    Parts 12
Limang taon na ang nakalipas magmula nang magtapos ng high school si Alta May Valencia sa bayan ng Tuguegarao. Limang taon din ang nakalipas mula nang magtanan sila ni Malakas Braganza na natapos sa isang masamang panaginip. At ngayon ay magkakaroon sila ng class reunion. Kinakabahan si Alta. Tiyak na magkikita sila ni Malakas, ang tanging lalaking nakaka-pagpabilis ng tibok ng kanyang puso... Ngunit kaya ba niyang salubungin ang galit sa mga mata nito? Alam niya, labis niya itong nasaktan...