THOSE WHO LAST (Collab with Elyjindria)
2 stories
Built to Last (TWL #1) by elyjindria
elyjindria
  • WpView
    Reads 1,586
  • WpVote
    Votes 151
  • WpPart
    Parts 3
Those Who Last Series 1 (Collaboration with VricEN) BL Suplado, mailap sa tao, sa anak lang mabait, at hindi man lang mautangan-ilan lang iyan sa mga sinasabi ng mga tao tungkol kay Mac. Wala naman siyang pakialam sa mga iyon. Wala nang ibang mahalaga sa kaniya kundi ang kaniyang anak-at ang karinderyang bumubuhay sa kanilang mag-ama. Normal at paulit-ulit na lang ang mga nangyayari sa buhay niya hanggang sa guluhin iyon ni Estong, isang guwapong construction worker. Buong akala ni Mac ay katulad lang ito ng iba na madadaan niya sa pagtaboy at pagsusungit, pero nagkamali siya. Hindi basta matinag si Estong sa panliligaw sa kaniya... Ngunit desidido rin si Mac. Masyado siyang maraming kailangang gawin at unahin sa buhay, at wala nang puwang pa ang pag-ibig doon. Pero kahit anong pagtulak niya kay Estong, tila puso na rin niya ang lumalaban sa kaniyang sarili. Unti-unting binuo ni Estong ang pagmamahal sa puso ni Mac na inakala niyang hindi niya kailanman kakailanganin. Hindi akalain ni Mac na mabubuo pa sa puso niya ang isang pagmamahal na magtatagal at mananatiling matibay-kahit paghiwalayin pa sila ng tadhana, at kahit ilang taon pa ang lumipas. ────⟡𓌉◯𓇋₊🛠˚⊹♡──── Started: September 9, 2026 Finish: ---
Until The Last Harvest (TWL #2) by VricEN
VricEN
  • WpView
    Reads 479
  • WpVote
    Votes 88
  • WpPart
    Parts 3
Those Who Last Collaboration with Elyjindria BL Buong buhay na inilaan ni Samson ang sarili niya sa bukid. Bilang panganay, nasanay siyang magtanim, mag-ani, at magsakripisyo para sa kanyang pamilya-kahit paunti-unti nang nauubos ang lakas niya. Samantala, si Larren, isang panadero na bumalik sa probinsya, ay abala sa pagpapatakbo ng panaderyang naiwan ng kanyang ina. Sa bawat umaga, nagtatagpo ang dalawa sa pagitan ng pandesal, kape, at mga kuwentong hindi naman nila kailangang sabihin. Hanggang sa dumating ang panahon ng pag-aani-at sa gitna ng takot ni Samson na baka ito na ang kanyang huling ani, may isang taong nais niyang makasama hanggang sa huli. Dahil ang buhay ay parang bukid. May mga bagay na itinatanim, may mga bagay na nawawala, at may mga bagay na kailangang hintayin bago mamunga. At sa gitna ng isang bukid na ilang dekada niyang inalagaan, may isang bagay siyang unti-unting natututunang pahalagahan-ang magkaroon ng taong makakasama, hindi lamang sa bawat ani, kundi sa mga panahong wala nang aanihin. UNTIL THE LAST HARVEST