Helen Meriz🥳
6 stories
Ako Naman Ang Magloloko, Mahal -Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 3,518
  • WpVote
    Votes 84
  • WpPart
    Parts 11
Sa umpisa pa lang, ay alam na ni Marites na hindi siya mahal ni Bren. Magkaibigan lang sila nito. Best of friends. Pumayag siyáng, magpakasal kay Bren dahil sa mamanahin ng binata. Totoong kasal pero huwad na pagsasama. Ang di sinasadya'y may namagitan sa kanilang dalawa hanggang sa mabuntis siya. Nang isilang niya si Lovely, buong akala niya'y matutunan na siyang mahalin ni Bren. Dahil all those years ay naging mabuti naman siyang asawa dito. Pero sinuklian ni Bren ng pagtataksil ang kanyang pagtitiis,ang kanyang pag-ibig. Nagrebelde ang puso ni Marites. Panahon na para makaganti siya sa manhid na asawa at maging unfaithful wife. DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz
Ander Kita Diba Boss? -Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 1,948
  • WpVote
    Votes 52
  • WpPart
    Parts 14
Noong mga tinedyer pa sila, hindi nagkapuwang sa pansin ni Mariz ang magagandang katangian ni Efraim. Ang ambisyon lamang kasi niya noon ay talunin ang lalaki sa anumang kaparaanan. Sinaktan niya nang labis si Efraim nang gumamit siya ng foul na paraan. Lumayo ito nang malaki ang hinanakit sa kanya. Pareho na silang established nang magkitang muli. Nag-mellow na si Mariz. Pero si Efraim naman ngayon ang tila naghahamon ng laban. Mananalo ba siya rito gayong siya lamang ang nakaaalam na hanggang ngayon ay alipin pa rin ang puso niya ng binata? DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz
Sa Pangarap Kita Mamahalin-Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 4,258
  • WpVote
    Votes 59
  • WpPart
    Parts 13
HELEN MERIZ Sa Pangarap Kita Mamahalin Parang gamu-gamong sumugba sa apoy si Emery nang ipagkaloob ang sarili kay Ace Rigor. Alam na niyang matutupok ang kanyang mga pakpak pero nagpatuloy pa rin siya. Ang naging bunga ng kamaliang iyon ay dinala niya nang nag-iisa. Hindi na niya inaasahang magkakatagpo silang muli ni Ace pero parang biniro sila ng pagkakataon. Napasailalim pa siya ng pamamahala nito. Masama na ang impresyon sa kanya ng lalaki. Paano pa kung matuklasan nito ang lihim niya. DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz
At Kung Ibigin Ka'y Kasalanan - Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 3,076
  • WpVote
    Votes 110
  • WpPart
    Parts 11
Anim na taon na ang nakararaan, si Veronica-na noo'y la-binlimang taon lamang -ay nagkaroon ng traumatikong karanasan nang mapasukang halos-hubad ng isang taong bagamat walang tunay na kaugnayan sa kanya ay itinuring naman niyang pangalawang ama. Pinangalanan siya nitong bold star. Hiniya. Hinubdan ng dangal. Ngayong siya'y beinte uno at ganap nang dalaga, ano't ipinatatawag siya ng lalaking ito? At kung sakaling maulit ang insidenteng paris noon, gaya pa rin kaya ng dati ang maging reaksiyon ni Daniel-ng kanyang "Ninong" Daniel? DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz
Takas Sa Paraiso-Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 6,686
  • WpVote
    Votes 58
  • WpPart
    Parts 18
TAKAS SA PARAISO Suwerte raw si Natalie. Dahil kahit galing siya sa pamilyang mahirap ay handa siyang tanggapin ng mayamang angkan ng Castillejo. Ipinagkasundo siyang ipakasal ng mga magulang kay Raymond. Pero takot si Natalie kay Raymond Sariwa pa sa kanyang isip ang impresyong iniwan ng lalaki noong sila ay bata pa. Nang pilitin pa rin siya ng mga magulang na pakasal sa lalaki, tinakasan niya ito sa kanilang unang gabi. Ngunit parang tinitikis siya ng tadhana, kinakailangang magkrus na muli ang landas nila ni Raymond. At sa pagkakataong ito, na- katakdang anihin ni Natalie ang matinding galit ng lalaki! DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz
Ang Ugly Duckling - Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 1,822
  • WpVote
    Votes 6
  • WpPart
    Parts 20
Hanggang ngayon ay taglay pa rin ni Geraldine ang palayaw na ibinansag sa kanya noon ng playmate na si JR. Ducky. Dahil noong mga bata pa sila, siya'y masasabing isang ugly duckling. Pati sa sarili'y hindi makapaniwala si Geraldine na magiging maganda siya't habulin ng mga manliligaw. Ang pangarap niya ngayon, sana ay magkita silang muli ng dating kalaro.Gusto niyang pamukhaan si JR sa mga naging panunudyo sa kanya noong araw! DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner. Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz