its_ar_ei10
Ngayon alam ko na ang nararamdaman kapag iniwan ka na talaga ng taong mahal na mahal mo ng sobra. Hindi mo alam ang gagawin mo. Hindi mo kayang wala sya sa tabi mo. Gusto mo lagi syang kasama. Gusto mo lagi syang kausap. At ang makita sya sa araw araw. Ang kanyang mga ngiti, kanyang mata. At ang boses nya. Siguro nga pinili nya akong palayain dahil inakala nyang may iba akong mahal. Pero kahit ganun nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sya. Ang taong minahal ko kahit na ngayon ay wala na sya.
Sana narito ka pa. Sana ako na lang.... ako na lang ulit ang mahalin mo kung sakaling narito ka pa.