doubled_aa
Si Neo ay isang sikat na midnight radio DJ. Umiikot ang buhay niya sa bawat caller at kantang pinapatugtog niya gabi-gabi at sa malala niyang insomnia ...
Si Freddie naman ay ang dating midnight DJ ng 109.6 DZMR station bago siya pinalitan ni Neo . Patuloy siyang nagpapakita at umaaligid sa loob at labas ng istasyon na parang anino ...
At si Detective Julius Ramirez ang pulis na may hawak sa kaso ng sunod-sunod na pagpatay na iniuugnay ang killer sa DZMR radio station.
Naniniwala ang imbestigador na si Freddie ang prime suspect sa mga patayang nagaganap, at si Neo ay biktima lamang ng isang frame-up.
Ano ang koneksyon ng kantang Bohemian Rhapsody sa tunay na motibo ng killer? At bakit patuloy na nagpe-playback ang lyrics ng kanta sa utak ni Neo?