stories worth staying up for
1 story
Chasing Yesterday Morning. by rrenjikhun
rrenjikhun
  • WpView
    Reads 3
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
He was gone. So bakit parang hindi pa rin ako nakatakas? Akala ko kapag iniwan ko siya, matatapos na rin lahat. Wala na ang sigawan. Wala na ang pagbabanta. Wala na ang mga gabing kailangan kong mag-ingat sa bawat kilos ko. Pero hindi pala gano'n kadali. Kahit matagal na siyang wala sa buhay ko, dala-dala ko pa rin ang lahat ng ginawa niya. Sa bawat malakas na tunog, napapapitlag ako. Sa bawat boses na tumataas, kinakabahan ako. Sa bawat pagkakataong may biglang humahawak sa akin, parang bumabalik lahat. Kahit nasa labas ako. Kahit kasama ko ang mga kaibigan ko. Kahit nasa sarili kong kwarto. Hindi ko pa rin maramdaman na ligtas ako. Kaya nagpasya akong humingi ng tulong. Therapy. Counseling. Mga taong handang makinig. Pero habang sinusubukan kong ayusin ang sarili ko, mas lalo kong napagtatanto kung gaano kalalim ang iniwan niyang sugat. Sinasabi nila sa akin na ligtas na ako. Pero paano kung ang utak ko mismo ang hindi makapaniwala? At paano kung dumating ako sa puntong sobrang pagod ko nang lumaban... na mas madali nang isipin na sumuko na lang? Siguro ang pinakamahirap pala sa pag-alis sa taong nanakit sa'yo ay hindi ang pag-iwan sa kanya. Kundi ang matutong mabuhay ulit nang wala siya.