The President Is A Maid
terhisya
- Membaca 572
- Suara 36
- Bagian 5
Dating all-boys school ang Yusebio Academy na ngayon ay ginawa nang co-ed. Maraming barumbado, magugulo at mga bullies sa nasabing academy. Kaya kahit na lumipas na ang ilang taong pagpapatupad ng co-ed sa YA, ay kakaunti pa din ang mga nag e-enroll na babae dito. Nangangamba at natatakot sa mga lalaking estudyante na baka sila ang mapagtripan. Si Jayden Augustine, siya ang kauna-unahang babaeng Presidente ng Student council. Nag-aaral siya ng mabuti at nagtra-training para sa ikakaayos ng Academy. Gusto niyang maproteksyunan ang kapwa niyang mga babae kaya ganun na lamang siya kung magsumikap kaya pati ang mga guro ay boto sa kaniya. Nakamit niya ang reputsayong gusto niyang makuha galing sa mga estudyante bukod sa ibang mga lalaki na galit sa kaniya dahil sa pagiging diktador, masungit at man-hater nito.
Sa kabila ng pagiging matalino at malakas, palihim siyang nagtratrabaho sa isang "Maid Cafe" para matulungan ang kaniyang pamilya. Kaso sa hindi inaasahan, nalaman ng isa niyang kamag-aral ang kaniyang kinakatago-tagong sikreto, si Zero Valderama, ang sikat na lalaki sa kanilang paaralan.
Paano na ang reputasyong matagal niyang pinaghirapan? Mawawala na lang ba ito basta-basta nang dahil kay Zero?