Santa-Ana
Panghihinayang. Eto lang naman kasi yung pakiramdam na tipong bawat minuto na maiisip mo yung pinanghinayangan mo eh di ka mapakali, parang nakukuryente yung buong katawan mo sa hindi maipaliwanag na dahilan at nanginginig ka dahil sa pinaghalong gigil at yamot. Yung tipong mapapasuntok ka na lang bigla sa hangin at mapapapitik ang mga daliri mo sabay bigkas ng mga katagang “TSK TSK SAYANG TALAGA.”, sabay mapapa-iling, hahampasin ang noo sa pamamagitan ng bukas na palad at halatang may bakas talaga ng panghihinayang. Tapos, sira na araw mo. Period.