jenifertiquio's Reading List
15 stories
Si Frisco at ang kaniyang Paraiso (Volume 1) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 250,664
  • WpVote
    Votes 26,887
  • WpPart
    Parts 41
Isang dalubhasang kawatan ang bigla na lang napunta sa mundo ng pantasya kung saan umiiral ang mahika at katakot-takot na mga halimaw. Sa kamalas-malasang pangyayari, napunta siya sa katawan ng isang ordinaryong binatilyo. Paano makaliligtas ang tulad niyang sanay sa marangyang buhay sa mundo ng mahika kung lakas ang pinagbabasehan? Makakaya niya bang mabuhay ng masagana gaya ng dati o muli siyang mamamatay dahil sa pakikipagsapalaran? Ito ang kwento ng pakikipaglaban, pagtatraydor, pakikisama, pagsasaya at pakikipagsapalaran. Ito ang kwento ni Frisco. ** April 11, 2020 (Date Started) May 10, 2025 (Republished)
ONE TRUE LOVE by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 1,397,997
  • WpVote
    Votes 483
  • WpPart
    Parts 1
Si Nicholas Robertsons ang matatawag na perpektong lalaki para kay Jessie dahil sa kabila nang pinagkaiba ng estado nila sa buhay, nagawa siyang mahalin nito ng buong-buo at walang pag-aalinlangan. Subalit sa kabila nang wagas na pagmamahal nito ay kinailangan pa rin niya itong iwan para magpakasal sa iba. Hanggang kailan nga ba maninindigan si Nick para sa pagmamahal niya kahit na palaging mas pinipili ni Jessie ang buhay na wala siya?
HE'S MY GIRL! by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 714,185
  • WpVote
    Votes 15,071
  • WpPart
    Parts 42
Si Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama sa grupo. Kakambal lamang siya. Nagkunwari siyang lalaki upang tulungan ang kapatid at hindi tuluyang maglaho ang pangarap nito dahil lang sa maling operasyong pinagdaanan nito. Pero dahil na rin sa kanyang kapabayaan, nahuli siya ng leader ng grupo. Ang gwapo at masungit na si Tae Kyung Hwang. Ang lalaking lihim niyang minamahal. Book Cover by @Thirty_Celsius
ONE TRUE LOVE by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 1,557,018
  • WpVote
    Votes 25,792
  • WpPart
    Parts 47
Si Nicholas Robertsons ang matatawag na perpektong lalaki para kay Jessie dahil sa kabila ng pinagkaiba nang estado nila sa buhay, nagawa siyang mahalin nito ng buong-buo at walang pag-aalinlangan. Subalit sa kabila ng wagas na pagmamahal nito ay kinailangan pa rin niya itong iwan para magpakasal sa iba. Hanggang kailan nga ba maninindigan si Nick para sa pagmamahal niya kahit na palaging mas pinipili ni Jessie ang buhay na wala siya? (POV Version)
MARRIED TO YOU by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 4,812,741
  • WpVote
    Votes 83,871
  • WpPart
    Parts 46
Hindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip nito at doon nga ay nakilala si Timmy. Si Timmy na unang beses pa lang niya nakilala ay may naganap na agad sa pagitan nila. At mas lalong hindi niya inaasahang 'virgin' pa ang babae. Nakaramdam siya ng guilt, pero agad din niyang nakita ang oportunidad na magamit ang babae para mas madali niyang makuha ang mana niya sa kanyang yumaong Lolo Dionisio. Ngunit ang kasalan nila ay unti-unting naging totohanan dahil na rin sa pagiging 'sexually attracted' nila sa isa't isa. At kung kailan tila maayos na ang lahat sa pagitan nila ay saka pa sinubok ang pagmamahalan nila. Dumating ang one great love ni Xial na si Marj at napag-alaman pa nitong hindi totoo ang kasalang naganap. At Isa iyon sa naging dahilan para tuluyan silang magkahiwalay. Pero dahil sadyang mapaglaro ang tadhana, muli na namang nagtagpo ang landas nila. Was there a chance for happily ever after on a love built on lies?
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction) by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 54,273,597
  • WpVote
    Votes 761,240
  • WpPart
    Parts 91
Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae hanggang sa makilala niya ang pinsan ng kanyang kaibigan na si Jordan. Si Jordan ang kabaligtaran ng pinapangarap niyang babae pero tuluyang bumihag ng kanyang puso. Ang babaeng handa niyang pag-alayan ng lahat pero sa bandang huli'y siya rin palang makakasakit sa kanya. ******** WARNING: RATED SPG! No need to read Loving Sebastian Greene to understand this story, okay? But I hope you'll enjoy this one like the way you enjoyed my other stories. Readers should be at least 18 y/o and above. Thank you!
TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published) by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 18,687,288
  • WpVote
    Votes 332,407
  • WpPart
    Parts 87
Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at certified Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at naging mapaglaro sa mga babae. Malaya niyang ginagawa ang mga bagay na maibigan hanggang sa ipatapon siya ng kanyang mga magulang sa hacienda. Doon niya nakilala si Janella na anak ng kanyang yaya. At dahil sa natural siyang mapaglaro sa babae ay 'di pa rin niya naiwasang ilapit ang sarili dito dahil iniisip niyang init lang ng katawan ang lahat. Pero habang nagtatagal ay nakakaramdam siya ng mga bagay na 'di niya naramdaman para sa ibang babae. Pero sa kabila noon ay tinalikuran pa rin niya si Janella. Hanggang sa magkrus na naman ang kanilang landas. At noon n'ya napatunayan kung gaano kahalaga sa kanya ang babae. Pero paano pa nga ba niya mapapaniwala si Janella kung nakatakda naman siyang pakasal sa iba?
MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published) by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 4,919,020
  • WpVote
    Votes 134,068
  • WpPart
    Parts 60
"Isang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek," usal ni Isay. Planado na umpisa pa lang. Matindi ang kagustuhan niyang mapa-ibig ni Danzel kung kaya ginagawa niya ang lahat makuha lamang ito. Ang pag-ibig niya'y isang patibong. Patibong na sa huli ay siya rin pala ang mahuhulog at masasaktan. Paano nga ba maitatama ng pag-ibig ang nakaraang nagpabagsak sa kanilang dalawa?
LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle) by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 43,010,382
  • WpVote
    Votes 448,644
  • WpPart
    Parts 93
Sebastian Greene is a rich and handsome business tycoon. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig kung kaya parang kontrata lang ang tingin niya sa Isang relasyon. Kapag hindi siya nakuntento ay tatapusin lang niya iyon na parang walang nangyari. Hanggang sa makilala niya si Adison Lane. Isang inosente at magandang babae na nakapukaw ng kanyang atensyon. Noong una'y pagnanasa lang ang mayroon siya para rito, pero habang tumatagal ay nabubuo ang damdaming kinatatakutan niya noon pa. At iyon ang makaramdam ulit ng pag-ibig. At kahit na takot, ay sumubok ulit siya sa pagmamahal nito. Pero hindi naging madali ang lahat para sa kanila. Pilit silang pinaglalayo ng tadhana. Unti-unting nauungkat ang madilim na nakaraan na alam niyang magpapalayo nang tuluyan kay Adison sa kanya.
Undying Ember (Chains of Passion Book II) by Bb_Anastacia
Bb_Anastacia
  • WpView
    Reads 1,038,398
  • WpVote
    Votes 19,338
  • WpPart
    Parts 19
Isang whirlwind love affair ang nangyari sa pagitan nina Anthony at Bernadette. Isang pag-iibigang nagsimula sa pustahan na kalaunan ay nauwi sa isang totohanang relasyon. At dahil hindi masasabing may matibay na pundasyon, ay madali rin iyong nagwakas. Four years later ay muli silang nagkita. Aminado si Bernadette na sa kabila ng masakit nilang paghihiwalay ay taglay niya pa rin ang dating damdamin para sa unang nobyo. Ngunit taliwas niyon ang damdamin ni Anthony sapagkat tila puno ng poot ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya. Nasaan na ang lalaking minsan ay nangako sa kanya ng matatamis na pangako ng pag-ibig? Itinakda ba silang muling magkita upang pahirapan lamang ang isa't isa? "I want you back...specifically, in my bed. You're like an undying ember in my system, hindi mamatay-matay ang ningas. The mere thought of you makes me ache every fucking minute, I may as well give in before it consumes me."