-thatfangirl
Ang natatanging pangarap lamang ni Allegre Belle Alcantra ay makasali sa isang musikal na pagganap sa GSFM.
Simula noong bata pa siya ay pinangarap na niyang sumali sa isang stage para sa mga magagaling tumugtog ng violin.
Kaya naman tuwang-tuwa siya nung nalaman na isa siya sa mga napili para makasama sa STAFM, ang unang hakbang patungo sa GSFM. Kasama ang tatlong iba pa, tutugtog sila bilang isang quartet.
Ngunit may isa siyang problema.
Hindi siya marunong tumugtog na may kasama sa grupo.
Paano malalampasan ni Allegre ang problemang ito?