THE SEEKERS #1: A Warrior's Fight
LyxValentine
- LECTURI 652
- Voturi 12
- Capitole 9
LUCIJA'S KEYS #1: THE SEEKERS #1: A WARRIOR'S FIGHT
Humphrey was just an ordinary car racer. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang maaksidente siya at magising sa isang ospital at napapaligiran ng mga kapatid niya. Mukha nga lang iyong ordinaryong pangyayari pagkatapos ng aksidente pero ang nakapanghihiwagang hindi kaagad nila napansin ay wala sino man sa kapatid niya o kahit siya ang nakakaalam kung saang parte ng Manila ang ospital na iyon.
Isa pang aksidente ang kinasangkutan niya kasama ang mga kapatid nang papunta sila sa Aurora para bisitahin ang kanilang abuela. Doon nagsimula ang mga kababalaghang nangyayari sa kanilang magkakapatid. Doon lang din niya naalala na kasama nga pala niyang naaksidente ang babaeng pinakamamahal niya. At kahit anong paghahanap pa ang gawin niya ay hindi niya ito makita.
May kinalaman kaya ang babaeng may puting buhok sa mga kababalaghang nangyayari sa kanya? Palagi na lang kasi niya itong nakikita sa tuwing may masamang nangyayari sa kanya. At nasaan na ang babaeng mahal niya?