sunmaruuramnus
- Reads 112,646
- Votes 1,652
- Parts 61
"Master Damien... pinapatawag nyo daw po ako..."
Tumango si Damien at tumingin muna sa akin bago nagsalita. Isang tingin lang, pero ramdam ko na ang bigat at seryosong intensyon sa mga mata niya.
"Explain."
Isang salita lang-malakas, matatag, pero may bahid ng galit-pero alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"S-sinabihan po kasi nung kaklase niya si Clyde na walang mommy, iniwan ng mommy at kung ano-ano pang salita... Master!!"
Nanginginig ako habang sinasabi ito, ramdam ko ang init sa dibdib at ang kirot ng galit sa pagkakaroon ng kasalanan kahit pinagtanggol ko lang ang alaga ko.
"Then!?"
Ang boses niya, malamig at kontrolado, para bang sumusukat sa bawat emosyon ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili. pinitik ko po ang nguso Ng kaklase niya. Ramdam ko ang pagkabagabag sa sarili ko nang makita siyang napasapo sa ulo.
"Alam mo bang pwede kang kasuhan sa ginawa mo?"
Tahimik siya, nakatitig lang, at bawat salita niya ay parang palaso sa dibdib ko.
halos hindi makatingin ang mata ko sa kanya,
napakagat ako sa labi, pinipigilan ang pag sagot.
pero bigla itong Tumayo at lumapit sa akin. Ang bawat hakbang niya ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Napayuko ako habang papalapit siya, hindi ko alam kung dahil ba sa takot..
"Dad-este, Master!!" gulat Kong sigaw Ng kornerin ako nito..
"Shhh..."ngumisi to maya maya..
"How many times do I have to tell you not to bite your lips when you're talking to me?"
P-po!?
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi
"Let me have a taste of those lips that never know how to obey."
at sa nanlalaking kong mga mata agad niya akong hinalikan.